chapter 11.

1108 Words
Ilang segundo lang ay pinagbuksan na si Devon ng kanyang ina. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay may nakita siyang nakatayo buhat sa sala.Isang ma-laking lalaking nasa katanghalian ang edad. Mahaha-lata mong magandang lalake ito noong kabataan. Tulad niya ay kulay abuhin din ang mata .Kinutuban si Devon sa nakita niya lalo pa't halatang magkahaw-ig sila ng hindi nakikilalang lalaki.Nakaramdam siya ng galit na may halong pagkalito.Hindi niya alam ang kung paano niya haharapin ngayon ang hindi nakiki-lalang panauhin..Hindi na kumibo pa ang kayang ina ng mapansin ang reaksyon niya.Sa halip ay nagpa-alam ito saglit. ."Maiwan ko na muna kayo anak." Sinabi ng kanyang ina sa kanya.Saglit siyang natigilan. "Upo po kayo."Galit man siya ngunit hindi naman siya bastos lalo na sa lalaking ito na may kakaibang lukso ng dugo siyang nararamdamang hindi niya maipaliwanag. "Son"Bigla siyang niyakap nito ng mahigpit.Hindi niya iyon napaghandaan at inasahan.Natigilan siya.Hindi alam ni Devon kung ano ang kanyang mararamdaman.Lalo na ng hindi na siya nito binigyan pa ng pagkakataong magalit at makapanumbat.Mula rito'y napag alaman niyang ma-tagal na silang hinanap nito hanggang sa ito'y naaksidente at nagkaroon ng epekto sa utak.Ngayon lang sila naalala ng ama pagkatapos ng ilang taong pagkaka alog ng utak nito.Anim na taon lamang siya noon ng iniwan sila ng kanyang ama kaya wala man lang siyang letrato nito.At dahil narin sa sobrang galit dito ng kanyang ina ay pinagsusunog nito lahat ang naiwang alaala rito.Mula raw ang kanyang ama sa mayamang pamilya.Kung bakit nagustuhan nito ang kanyang ina sa kabila ng trabaho nito ay lubos na ikinatutuwa iyon ni Devon at simula na iyon ng unti-unting paghupa ng galit na nararamdaman. Hindi niya alam kung ginawa iyong taktika ng ama na unahan siya upang hindi makapanaig ang kanyang galit o hindi pa man ay kilala na siya agad ng ama.Kung sa iba lang kasi'y hindi na siya para makinig pa o magbigay ng pagkakataon.Ngunit ngayon ay iba!Ayon sa kwento ng kanyang ama'y nakapag asawa ito subalit namatay pagkaraan din ng anim na taon sa sakit at wala raw naging supling ang mga ito. "From now on Son,I would like to make it up to you, for all the times that I'm not at your side.I'll be a good father if you will give me a chance."Nginitian niya ito ng may kasamang tango.Agad siyang pinu-pog nito ng halik.Hindi siguro nito inaasahang mapa-patawad agad nilang mag ina.Narinig naman niyang sumisinghot ang kanyang ina sa sulok habang nakatingin sa kanilang mag ama. "Don't get me wrong anak kung gusto ko sana kayong isama sa bahay para doon na kayong mag ina.May pag a-asam ang mga mata nito."'Yun e kung ok lang sa iyong mag ina?" Sabay lingon ito kung nasan naroong nakatayo ang ina ni Devon. "Dahil mag isa lang naman ako doon anak,matanda narin ako at kailangan ko kayong mag ina.Sana'y kalimutan na lang natin ang mga nangyari."Sabi uli ng ama na may lungkot at pag asa ang naka paskil sa mga mata ng kanyang ama ng sinabi iyon sa kanila. "Inay ano pong isasagot nyo?Tanong ni Devon sa inang kanina pa nakikinig sa kanilang mag ama.Nakita ni Devon ang pag aalangan sa kanyang ina bago ito sumagot. "E anak, kung ano ang magiging pasya mo iyon din ang sakin."Sagot ng kanyang ina. "Tay???,,Pa,,.?? Ano po bang gusto n'yong ita-wag ko sa inyo?".Naiilang na tanong niya. "Ikaw ang bahala anak!."Nagulat man ang ama sa kanyang agad na pagtanggap rito ay batid niyang maligayang maligaya ito ngayon. "Kailan po nyo binabalak tay?"naiilang pang sabi niya rito. "Abay sa lalong madaling panahon at sabihin mo kagad kung kailan at mag paparty ang tatay no!"Maluwang ang ngiti ng kanyang ama na ikinangiti niya rin. "Hindi po ba parang nakakahiya naman po tay?" "Abay hayaan mo namang ipagyabang ko ang nag iisa kong anak na kasing gwapo ko!kahit man lang iyon ay huwag mo sanang ipagkait sakin anak." Nakikiusap na sagot nito. "Siguradong matutuwa ang mga uncle at mga tita mo anak,sabik narin silang makita ka."Kasunod pa'y sabi ng kanyang ama. Isang pangyayari lang ang nagdaaan ngunit malaki ang mangyayaring pagbabago.Totoo nga ang kasabihang, hindi mo kayang saklawan ang nakatad-hana na.Hindi ito inaasahan ni Devon.Malayo sa hina gap niyang magkikita pa sila ng ama,lalo na na bali-kan pa sila nito.Matagal na niyang naipalagay sa isip niya na matagal na itong patay.Hindi naman niya kayang sumbatan ito dahil unang una wala itong planong pabayaan sila noon pa at wala siyang nakikitang nagawa nitong kasalanan.Walang lugar ang galit mula sa kanilang mag ina,walang may gusto ng nangyari kaya wala siyang nagawa kundi ang patawarin ang ama.Sa wakas ay hindi na sila muling maghihirap.Bigla tuloy niyang naisip ang Babaeng 'yon.Pakakawalan na ba niya ito?"Huwag muna."... Huling laro,upang mapatunayan kung talaga ngang walang nakakatanggi sa isang Devon.Ngayon pa?Na may ipagyayabang na siya? Kung sino ang babangga at magiging balakid sa kanyang daan at sa kanyang mga kagustuhan ay tiyak na may kalalagyan. ... Tila biglang binundol ng kaba si Rebeca ng mga sandaling iyon. "Bakit nakakaramdam ng ganitong kaba?May kinalaman kaya ang panaginip niya kagabi?"Ayon sa kanyang panaginip ay nilalamon daw siya ng malaking baha at habang paparating ito sa kanyang kinalalagyan ay mabilis siyang kumapit sa malaki niyang devider at duon ay kapit tuko siya.Nang lalamunin siya ng tubig ay pumikit at huminga ng malalim upang hindi siya malunod at duoy biglang baba ang tubig.Paulit ulit nito siyang nilulunod at paulit ulit din niyang ginagawa ang ganon at nakapagtatakang hindi siya natitinag. "Totoo nga kayang ang simbolo ng tubig ayon sa kahulugan ng panaginip ay PAGSUBOK?Kung ang pagbabasihan ay kung gaano kalaki ang tubig ay mukhang malaking malaking pagsubok ito.Nakahan-da ba siya?At maniniwala ba siya kahulugan nito?ang ganoong kwento?Ah,hindi na niya maalala.Mabuti na lamang at malinaw ang tubig sa kanyang panaginip. Kung nagkataong kulay pusali ito at totoo nga ang tungkol sa kahulugan nito ay dapat nga siyang mabahala.Mag iingat na lang siguro siya sa mga taong nakakasalamuha.Sabagay hindi naman siya basta-basta nagtitiwala. Bago siya nakatulog ay nagdasal muna siya at humingi ng tawad sa mga nagawa niyang kasalanan. ... Napabalikwas si Devon ng bangon at naramda-man niyang pinagpapawisan siya ng malamig. Nana-ginip siya na naliligo raw siya,ngunit ang kakaiba sa panaginip niya imbes na pangkaraniwan ang gamit niya sa paliligo ay hose ng bumbero kaya nagkan-dalunod lunod siya ngunit ayaw niya namang bita-wan.Napailing at napangisi si Devon sa napanagini-pan. "Ano lulunurin ba niya ang sarili?Anong klaseng panaginip iyon??"Bumangon siya at kumuha sa ibaba ng tubig at uminom.Pagkainom ay umakyat siya at muling nahiga sa kanyang malaking kama.Ilang minuto lang at nakatulog siya ulit.Napabalikwas na-naman siya dahil ang panaginip kanina ay biglang naulit.Eksaktong eksakto.Kahit hindi siya naniniwala sa kasabihan ay binaligtad niya ang kanyang unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD