Dalawang araw bago ang kasal, pauwi si Rebeca at na-kasakay sa kanyang kanyang sasakyan ng may nama- taan din siyang kotse na pamilyar na pamilyar sa kanya.Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang na- kikita.Kotse iyon ni Devon.Hindi niya makita ang laman ng loob nito dahil narin sa tinted. Kinakabahan ang dalagang sinundan iyon.Nakita ni Rebeca na papa- sok ang kotseng iyon sa isang hotel sa lugar na 'yon. hindi nga siya nagkamali sa hinala.Nakita ni Rebeca na may ina-alalayang babae si Devon papasok. Naka-nguti pa ang lalaki at tila nagtatawanan pa ang mga ito.Ang babaeng kasama ni Devon ay hindi niya kilala.Ang babae'y seksing seksi sa suot nitong evening dress.Mahaba rin ang buhok ng babae.Biglang nakara-ramdam si Rebeca ng panliliit sa sarili niya at biglaang panlulumo.Siguro'y

