chapter 21

1127 Words
Pag gising ni Rebeca kinaumagahan, Habang nagkakape ay nagtungo siya sa malaking sala upang buksan ang tv at manood ng balita. Nasa screen ngayon si Congressman Villabente sa kasong graft and corruption.Sa katabing letrato ay ang kanyang kapatid na kinasuhan din. Kasabay ng paghahain ng demanda laban sa kanila ng asawa nito,napangiti naman siya,heto pala ang sinasabi ng lalaking yon.Mukhang consistent naman pala ang lalaki pagdating sa kanilang usapan. Ngunit sa kabila ng nangyayari sa ngayon ay nahaharap siya sa isang malaking problema. Ito lang yata ang problemang hindi niya pa nahahanapan ng solusyon. kailangan makausap niya ang wala na sa katinuan na si Devon dahil sa pagpapadala nito ng mga bulaklak araw araw,mabuti at hindi nagagawi dito ang kanyang katipan at tanging siya lamang ang nakakaalam kung sino ang totoong nagpapadala ng mga iyon. Naghanda na siya sa pagpunta pabalik sa opisina niya. Pagdating nya'y binati siya ng mga tauhan nya. "Boss sabi nga pala ni sir n'yo ay tawagan n'yo raw po siya pagdating na pagdating n'yo." "Thank you Besy" Kaagad niyang dinial ang number nito. "Hello sweetheart,pinatatawag mo raw ako? "Sweety mayroon kaming biglaang out of the country bukas, siguro'y mga two to three months kami doon dahil may aasikasuhin daw kami with the big boss. Sinabi ko lang sayo ng mas maaga para di kana mabigla, isasama kita mamaya sa place ko." "Bakit mukhang biglaan naman yan?! wala nabang ibang representative na hahalili sayo? Bakit kailangang ikaw pa?"Hindi alam ni Rebeca kung bakit nakakaramdam siya ng pag alala sa kaalamang magtatagal ang kasintahan sa malayo. "Sweety try to understand alam kong alam mo ang pakiramdam."Tatlong buwan lang naman iyon.Kung kumpara sa mga taong nagdaan na malayo tayo sa isat isa. "Yun na nga eh,matagal na ang panahong nasayang tapos aalis kapa?May lungkot sa boses ni Rebeca. "Hmmmm..akala mo naman ang mahal ko,kung ikaw nga na hindi maiwanan ang mga tao mo,ganoon karin diba?Tatawa tawa ito sa kabilang linya.Hayaan mo sweetie, pag uwi ko galing New york ay may sorpresa ako sayo.Huwag ka ng malungkot", "Sige ,mamaya hihintayin kita."Ang nasabi nalang niya rito." Mabilis lumipas ang oras, hindi napansin ng dalaga na kanina pa pala ang uwian.Bakit kaya di pa siya tinatawagan ng kasintahan? mabuti pa'y bumaba na siya.Nang tumayo siya'y naramdaman nya ang pamimitig ng kanyang mga hita,masakit narin ang likod niya,nasa pinakababa na siya ng masalubong niya si mang Dodong sa ibaba. "Pauwi na kayo mam?" "oho". At napasulyap siya sa labas.Nakita nya ang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatayo at matiyagang naghihintay. "A mam, inggga...t! ma"""m.. mam??!!! (napakamot sa ulo si mang Dodong,)Nakita niya kasing nananakbo ang babae papunta sa pinasulok ng buillding sa bandang sarado ang ilaw. Pawis na pawis si Rebeca sa kaba ng makarating sa bandang madilim sa dulo. bakit wala pa kasi ang lalaking 'yon?san ba nagpupunta ito?Gusto na nyang mainis. Naailip niyang tumingin sa oras ang lalake sa labas at ng makitang naka patay na ang ibang ilaw ay humaurot na ito ng takbo papaalis lulan ng kotse nito. Lumabas na siya sa pinagtataguan niya ng mga ilang minuto na itong nakakaalis. Ngayon niya lang napunang mabilis ang pintig ng kanyang puso. Tila nakipag marathon sa sampung kabayo. Dinial niya ang numero ni Leonard,sa pang apat na ring ay sumagot ito.Pasensiya naraw siya dahil naiipit ito sa traffic.Pag dating nito ay hinalikan siya sa labi. "Miss me sweetheart?" Tumango lamang siya.Habang sakay siya ng kotse nito ay nag iisip isip siya. "Mukhanng malalim yata ang iniisip ng mahal ko? Bakit mamimiss mo ba kagad ako?" Napangiti siya."Bakit naman kasi napakatagal mong mawawala?." Ngumiti naman ito sa kanya, kasabay ng paghalik nito sa kanyang noo. Ito ang isa sa mga katangiang nagustuhan nya rito. Pag dating sa place na sinasabi nito sa City garden kung saan ito nakatira, ay nakita nyang maganda ang lugar. Malaki at magaganda ang mga kasangkapan mga panlalaki ang kulay.Sa pinakataas ang nagsisilbing kwarto. Sa sentro nito ang malaking sofa.Kinuha ni Rebeca ang alak na nasa wine bar at kumuha narin ng dalawang kopita Nakita niyang nakaayos na ang mga damit nito sa ibabaw ng center table at ang maletang gagamitin nito. Binuksan ni Leonard ang malaking flat screen tv na nasa wall. Ekasaktong ang balita ay sa congressman at sa kanyang kapatid parin. "Mabuti naman at nakasuhan na sila, hindi biro ang ginawa nila sayo.mukhang hindi ka na nila hinintay, may nauna ng iba para kasuhan sila Ikaw ,anong plano mo sweetheart? "Tanong ng kasintahan sa kanya. "Bahala na sila,hayaan mo nalang tutal naman ay hindi na siya iba sakin, hindi naman ako masyadong naapektuhan." Lumapit sa kanya ito ibinaba ang kopita sa table, inumpisahan siyang halikan nito sa labi, sa leeg,tumagal ito doon.Hanggang sa naramdaman nya ang mga kamay nitong humahaplos sa kanyang likuran pababa. Dahan dahan siyang inihiga nito sa mahabang sofa.Nag uumpisa na itong hubarin ang suot na polo long sleve.Hinubad narin nito ang black pants nito. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Nasa mga mata nito ang pagnanasa. Napalunok siya. Bigla namang nag ring ang telepono nito. Sinenyasan siya ng kasintahan at bahagyang lumayo kanya. Pagbalik nito'y nagkukumahog na ito.Takang taka si Rebeca. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya dito. Hinaplos sya nito sa mukha. "Im very sorry sweetie,katatawag lang sakin ng Big boss. Na rebook daw ang flight,instead na bukas ay tatlong oras mula ngayon.I will make it up to you pag balik ko." hinalikan siya nito sa labi at sa dalawa nyang kamay at alanganing napangiti. "Pag balik ko,ay pakakasal na tayo sweetheart." Seryoso ang mga matang sabi nito sa kanya. Tuwang tuwa niyang niyakap ito. Lubos siyang naligayahan sa sinabi ng lalaki at hindi na niya napigilang mapayakap sa lalaki. "Ill wait ."At siya na ang naunang humalik rito. Hindi niya alam kung bakit may halong kaba ang napipintong pag alis ni Leonard. "Magiingat ka sweetheart.Ano ba ang gusto mong pasalubong?Hinimas himas siya nito sa buhok. "Nothing.Basta umuwi ka lang agad ay sapat na sa akin."Ngiting malamlam ang mga matang sabi niya kay Leonard. "Ops don't be sad!Pangit na papabaunan mo alo ng luha bago ako aalis,hindi naman tayo maghihiwalay. Pinisil pisil nito ang kanyang pisngi at hinawakan naman niya ang mga kamay nito at inilagay niya sa kanyang mukha. "Ewan ko ba,ayoko na kasing maghiwalay pa tayo ng matagal.Masyadong matagal ang tatlong buwan." "Saglit lang iyon,kung sa matagal na panahon ngang nagkawalay tayo'y wala namang nabago,mahal parin natin ang isat isa sa kabila ng lahat." Hinalikan na siya nito ng mariin sa labi at nagpaalam narin.Hindi narin ito nagpahatid dahio iyon daw yata ang pinakaayaw ng lalaki. From the author: Ang mga susunod na eksena ay rated 40.... maaring ito ay may maseselang eksena ,gaya ng....SEX kinakailangan ng patnubay ng magulang,lolo at lola,kamag anak,kapit bahay,tsismosa't tsismoso..at lahat ng tambay sa kanto.Ang mav edad na 18 pababa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD