Hindi ko alam kung ilang oras na akong dilat at hindi makatulog habang nakahiga sa tabi ni Zayden na ngayon ay mahimbing na ang tulog. Masyado na yata siyang napagod sa byahe at pagsasagutan namin kanina kaya mabilis lang s'yang dinalaw ng antok samantalang heto ako, dilat na dilat ang mga mata habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Ilang beses na rin akong pagulong gulong sa pwesto ko para maghanap ng pwestong kumportable ako para matulog pero walang nangyari, gising na gising pa rin ang diwa ko. Sinulyapan ko si Zayden na ngayon ay nakatalikod sa akin at malalim na ang paghinga. This isn't my first time laying on a bed with someone next to me, I used on sleeping beside Shawn back then when we were little. Pero iba ang sitwasyon dati sa ngayon. I am laying on a bed not with Shawn but wi

