• Eya • "Eya, table number 10!" "Eto na, saglit lang!" sigaw ko sa counter habang nasa loob ako ng quarters at nagtatali pa ng aking mahabang buhok. Matapos ang bangayang nangyari kanina ay nagpahatid na agad ako rito sa Mikasa Latte para simulan ang pagpa-part time job ko. Alas tres pa lang naman ng hapon at dahil nga sa pangangaladkad sa akin ng walang hiyang Zayden na iyon kanina ay heto at nakaabsent na naman ako. Hindi talaga siya good influence! Lumabas na agad ako ng quarters matapos kong mag-ayos at kinuha ko na yung notepad na pagsusulatan ko ng order at nag diretso na sa table number 10. Palapit na ako sa table at nakita kong isang lalaking nakatalikod mula sakin at isang babae ang nandun, couple yata. "Good evening Ma'am and Sir, may I take your orders please?

