chapter 34

2359 Words

Malayo pa lang ay nakangiti na si Tita Flor habang papalapit sa amin ni Tyron. Pakiramdam ko ay nagyelo ang mga binti ko at halos pahirapan kong ihakbang ang mga ito. Sa reception area pa lang ng Administration Building ay malamig na iyong aircon kaya pakiramdam ko tuloy ay lalagnatin ako lalo na at nakalimutan kong bawiin ang sariling kamay na hawak-hawak ni Tyron. Huli na para gawin ko iyon dahil nasa harapan na namin ang Mommy niya na siya ring namamahala ng buong university. Agad na humalik si Tyron sa pisngi ng Mommy niya bilang pagbati pero hindi pa rin niya pinakawalan ang kamay ko. Wala rin akong lakas upang hilahin iyon gayong sa kanya na nga lang ako kumukuha ng lakas upang manatiling nakatayo sa harapan ng kanyang ina. Sana ay tinanong ko man lang kay Nanay kung sino ang na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD