Walang text mula kay Tyron hanggang sa makauwi na si Nanay. Walang sinabi sa'kin si Nanay tungkol sa nangyayari sa malaking bahay. Ang kinumusta niya sa'kin ang sina Ate Mira at Kuya Hiro pati mga apo niya sa probinsya. Totoo naman ang saya ko nang magkwento ako sa kanya tungkol sa mga ito. Sa abot nang makakaya ko ay iniiwasan kong isipin iyong mga bagay na nagpapalungkot sa'kin dahil ayokong may mapansin si Nanay. Sabay kaming naghapunan ni Nanay, at panandalian kong nakalimutan ang tungkol kay Tyron at sa kinakaharap na pagsubok ng relasyon namin. Kinabukasan ay nagisnan kong naghahanda ng agahan namin si Nanay. Wala pa ring text mula kay Tyron, at hindi ko na ring tinangkang maunang mag-text sa kanya. Parang ayaw kong pumunta ngayon sa mansion kaya nangalumbaba lang ako sa mesa ha

