Mukhang mapagkatiwalaan nga talaga ang mga pamangkin ni Tyron dahil mabilis na lumipas ang isang linggo pero wala namang nagbago sa pakikitungo ng mga tao sa paligid ko. Wala ring nanumbat sa'kin at lalong hindi nakarating kay Nanay ang totoo kong relasyon kay Tyron, dahil hanggang ngayon ay tinutukso niya pa rin akong may crush sa huli. Kung alam lang ni Nanay na boyfriend ko na iyong tinutukso niya sa'kin at unti-unti nang nade-develop into something else ang nararamdaman kong paghanga kay Tyron ay ewan ko na lang. Tiyak makukurot niya ako sa singit. Pero mas takot ako sa magiging reaksiyon ni Ate Mira. Sa bungangang meron ang nakatatanda kong kapatid ay tiyak na magiging kawawa ang tainga ko. At dahil nga lumipas na ang isang linggo ay bukas na iyong sinasabing medical mission ni Tyr

