ANG KASAL ay isang sagradong selebrasyon upang mabigyang basbas ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng mga pagsubok na dinanas sa buhay. A fantabulous marriage doesn't happen between perfect couple to corporate. It happens between imperfect couple that has willingness to accept the imperfections and understand the shortages of each party. Para kay Hasumi ay isang malaking sugal ang ginawa niya. Ang pagmamahal niya kay Brael ay isang sugal. Wala naman kasing kasiguraduhan noong naramdaman niya ang pag-ibig kay Brael na mamahalin siya pabalik ng lalaki. Minsan napapangiti na nga lamang siya kapag naiisip niya na minahal siya pabalik ni Brael. Isang pribilehiyo para sa kaniya ang mahalin pabalik. Inahon niya ang kaniyang sulyap sa loob ng katamtamang laki na simbahan.

