"PAPA, HINDI niyo puwedeng gawin iyon! How could you?" Nanginginig ang kaniyang laman dahil sa inis na napukaw ng impormasyon na nabatid niya. Nalaman niya na nagsagawa ng pekeng lamay at paglibing ang kaniyang Papa. Pinaalam ng ama niya sa lahat na siya ay namatay dahil hindi siya nakaligtas kuno mula sa mga balang nabaon sa kaniyang laman. She pulled her own hair out of frustration. Inisip ba ito ng ama niya bago niya isinagawa ang bagay na iyon? How could a father treat his daughter's life as a joke? "Hear me out, Yumi," anang Papa niya. Akma siyang hahawakan ng kaniyang ama subalit lumayo siya rito. Naiinis talaga siya sa ama niya at hindi niya matanggap ang ginawa nito. Hindi siya makapaniwala. Pinilit niya ang isip niya na intindihin ang ginawa ng kaniyang Papa. "Sarili mo ak

