BUMAGSAK ANG mga balikat niya habang nakatitig sa papalayong sasakyan. That woman was mysterious. He introduced himself to her but she didn't give him her name. Ano ba ang problema ng babaeng iyon? Ang damot niya. Pangalan lang naman ang hinihingi niya mula rito pero hindi niya ito binigay. Ano iyong pangalan niya? Gold? Napakamot na lang sa batok niya si Brael. "Damn," mura na lamang niya sa ere bago niya binalikan ang kaniyang motor na nanatiling umaandar. Hindi maalis sa isipan niya ang babaeng nakainuman niya kanina. Palagi niyang naaalala ang mga ngiti nito at ang mukha ng babae na para bang may kung ano rito na hindi niya kayang alisin ang mga tingin niya rito. He sighed. Parang isang remedyo ang babae. Matapos pasamain ng kasintahan niya ang kaniyang loob ay nakita niya ang ba

