Kabanata 31

2465 Words

TINANAW NIYA ang buong paligid. Napaka-payapa sa probinsiya. Sana ganito rin ang buhay niya. Napabuntong-hininga na lang siya dahil sa kaniyang mga iniisip. "Hindi ka makatulog?" Lumingon siya sa lalaking nagsalita. Ngumiti siya. Halatang nakatulog na ang lalaki dahil namumula pa ang mata nito. Pati rin ang boses niya ay nagpapahiwatig na siya'y nakatulog. "Bakit ka gumising?" Sa halip na sagutin ang lalaki ay nagtanong pa siya rito. Umupo sa tabi niya ang lalaki. "Hindi mo pa nga nasagot ang tanong ko, sa halip ay nagtanong ka pa," pabirong sambit ng lalaki. Ang inuupuan nila ay isang silya na may kahabaan na yari sa kahoy. Nasa ilalim sila ng puno ng mangga na hindi pa gaanong matanda. Naka-upo sa ibabaw ng maliit na mesa ang lampara. Ang sulyap ni Hasumi na nakatuon sa mga g

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD