HINUGASAN NI Hasumi ang bigas bago niya ito nilagyan ng tubig na gagamitin upang masaing na niya ang kanilang kanin. Huminga siya nang malalim. Malapad ang bahay ni Lola Tersing sa bukid. May dalawang malalaking kuwarto ito at ang nagugustuhan ni Hasumi ay ang kusina nito na malapad. Walang tubig sa kusina dahil sa batis lamang kumukuha ang mag-lola subalit marami namang balde rito na puno ng tubig. "Nesa," tawag ng matanda sa kaniya. "Po!" tugon niya. Nesa ang tawag ng matanda sa kaniya. Ito ay pinaikling salita ng Haponesa. Nasanay na rin siya sa tawag na ito ng matanda sa kaniya. Hindi niya kasi maiwasan at mapapansin talaga kung ano ang lahi na mayroon siya. "Kapag natapos ka na sa pagsaing ay pakitingin lang ng manok na hiniwa ko. Pupunta lang ako sa batis at kukuha ng tubig na

