Chapter 6: Friendly Gestures

1782 Words
AS THE day passed, Markus was unfortunate to tamed real bears to him. But it's quite wondering everytime he tried to be good at them. Marahil ay hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal na ibinibigay niya para sa mga tunay na oso. Samantalang ang mga taong oso naman ay walang ipinagbago ng pakikitungo sa kaniya. In fact, ang nga taong oso pa nga ang madalas na lumapit sa kaniya. Nasanay na rin siya sa biglang pagbabago ng anyo ng mga taong oso kapag sasapit na ang dapit hapon. Habang ang mga tunay na oso nama'y nakikipaglaro sa mga ito kapag naging oso na ulit. "Pakiramdam mo ba ay masarap ang maging hayop?" Napalingon siya sa boses na iyon. At walang iba kundi galing kay Betina, na madalas siyang sorpresahin ng mga salita. "Siguro, kasi ang problema lang naman nila sa araw-araw ay kung paano makakakain sa buong araw." Doon napailing si Betina. "Nagkakamali ka, Markus. Kahit hayop lang sila ay nangangamba rin sila sa kanilang kalusugan." Hindi siya nakasagot sa sinabi ng dalaga at sa halip ay nanatiling nakinig. "Pansin mo na hindi sila gaanong natutulog sa maghapon, 'di ba? Maliban na lang kung taglamig ang panahon." "Bakit nga ba?" "Dahil mas gustong matulog ng mga oso sa malamig na klima. Kahit naman ang ibang uri ng hayop. Kaya nga kapag mga ganitong buwan ng Agosto at pabago-bago ang klima, madalas ay mas mahaba ang tulog nila sa gabi dahil malamig. Pero kapag tag-init naman, mula sa buwan ng Marso hanggang Mayo, asahan mong iritable sila sa pagtulog." "Kung ganoon ay mahirap din pala ang maging hayop." Dahan-dahang napatango si Betina. Bago pa man ito sugurin ng lambing ng isang tunay na oso. Samantala'y hindi naman maiwasang mainggit ni Markus kung gaano kalapit kay Betina ang mga oso. "Markus, halika at subukan mo silang paamuhin!" Narinig niyang sigaw ni Betina. At mula sa kaniyang kinatatayuan ay dahan-dahan siyang humakbang palapit sa mga tunay na oso. Alinsunod naman ang kaniyang malambing na kilos upang paamuhin ang mga ito. Pero parang walang ipinagbago ang pakikitungo nito sa kaniya dahil sa mailap pa rin ang mga ito. Kaya naman nagdesisyon na lang siya na makipaglaro sa mga taong oso. And it seems how he never fails to enjoy playing with them. At hindi niya namalayang kaniya-kaniya na sila nang pinagkakaabalahan ni Betina habang nakikipaglaro sa mga taong oso at tunay na oso. "Nakatutuwa kayo, sana lang ay hindi kayo magbago sa akin," ang sabi niya sa kawalan habang hinahaplos-haplos ang balahibo ng taong oso mula sa ulo. Ngunit hindi pa pala natatapos doon ang kaniyang kasiyahan, dahil nang maamoy niya ang nilulutong ulam ay agad siyang lumapit doon. Out of his concern, that the real bears were planning to approach him. Ngunit iisa lang ang naglakas loob na lumapit sa kaniya. At sa kaniyang paglingon sa paligid ay nakausap niya ang isang oso na inakala niyang taong oso. "Luto na ang ulam, kukuha na lang ako ng dahon ng saging para makakain na tayong lahat," wika niya iyon. Sandali pa niyang tiningnan ng mata sa mata ang osong kausap niya. At doo'y halos natulala siya dahil hindi niya namalayang tunay na oso pala ang lumapit sa kaniya. "Sabi ko naman sa'yo, hindi imposibleng mapaamo mo sila. Hindi man sabay-sabay pero paunti-unti." Napalingon siya sa sinabing iyon ni Betina. At matapos niyang hanguin ang pinaglutuan ay saka niya sinubukang haplusin ang ulo ng tunay na osong katabi niya. "Nagugutom ka na ba?" At isang sandaling pagsulyap ang ibinigay nitong muli sa kaniya bago pa man siya magulat sa biglaang pagtanday ng ulo nito sa braso niya. Hindi niya alam pero kakaibang saya ang idinulot niyon sa kaniya. "Markus, umuungol na sa gutom ang mga oso, kumuha ka na ng dahon ng saging," pagputol ni Betina sa sandaling iyon. Kaya naman marahan niyang inalis ang nakatanday na ulo ng oso mula sa kaniyang braso at nagpaalam dito, "Kukuha lang ako ng dahon ng saging, mahal kong oso," sabi niya rito. At doo'y parang nalungkot ang tingin nito. Bago pa man siya humakbang patungo sa kabundukan. Out of curiosity, he didn't thought that the real bear is going to follow him. Kaya naman natigilan siya mula sa paghakbang. "O, bakit sumunod ka pa sa akin? Babalik naman ako agad." Nanatiling walang reaksyon ang osong kausap niya pero may kung ano itong tinititigan mula sa taas ng puno ng saging na siyang sinundan niya ng tingin. Doon niya napagtanto na mayroon pa lang nakabitin na ahas malapit sa direksyon niya. At unti-unti itong gumagapang palapit sa kaniya kaya naman nangatog ang kaniyang katawan dulot ng matinding takot. Habang ang oso naman ay hindi niya inaasahang magagawa siyang ikulong ng yakap. Natatandaan niyang hindi ka p'wedeng kumilos sa ganitong pagkakataon. Ngunit, sinamantala niya ang pagkakakulong niya sa yakap upang hugutin ang itak na inipit niya mula sa pagitan ng balat at short. Pero hindi pa man siya nakatatagal na hawak 'yon ay nagulat siya sa biglaang paglusob ng oso sa ahas, na naging rason naman niya para gamitin ang itak na hawak niya upang itaga iyon sa ulo at katawan ng ahas. Mabilis ang kilos nito habang unti-unting bumabagal mula sa sakit na idinulot nang pagkahampas niya. Habang ang oso naman ay napatitig sa kaniya ng ilang segundo. Doo'y hindi niya maiwasang magpasalamat sa oso dahil sa ito ang naging dahilan kung bakit nakaligtas siya sa maaaring maging kapahamakan dulot ng ahas. Matapos ang pangyayaring iyon ay tagumpay siyang nakakuha ng dahon ng saging. Subalit sa kanilang pagbalik ng oso ay sinalubong siya ng mga tingin nito. Gayundin si Betina na tila naiinis na sa kahihintay sa kaniya. "Bakit ang tagal mo? Nagugutom na ang mga oso." "Betina, hindi ka maniniwala pero muntikan na akong tuklawin ng isang ahas kung hindi lang ako binigyan ng hudyat ng osong kasama ko." Hindi makapaniwala si Betina sa narinig. "Niligtas ka ng isang oso sa posibleng kapahamakan?" Dahan-dahan siyang napatango habang pinupunasan ang mga dahon matapos itong ilapat sa may bermuda. "Tapos ano pa ang nangyari? Napatay n'yo ba ang ahas?" "Hindi ito napuruhan ng oso pero mabuti na lang at nagkataong may hawak akong itak." "Mabuti nga, at masaya ako dahil nakahanap ka ng isang kaibigan sa oras ng posibleng kapahamakan," nakangiting wika ni Betina habang tinutulungan siya nitong maghain. Nagsisimula nang lumabas ang buwan nang pagsaluhan nilang lahat ang pagkain. Masayang-masaya ang mga oso sa kanilang masarap na hapunan. Habang ang osong nakasama ni Markus sa kabundukan ay nanatili sa kaniyang ta bi bago pa man sumapit ang oras ng pahinga. "O, bakit hindi ka pa magpunta sa inyong kulungan? 'Wag kang mag-alala sa akin dahil iniligtas mo ako sa posibleng kapahamakan. Ayos na ako, mahal kong oso." Doo'y naglambing pa ito sa kaniya bago niya pa man ito samahan sa kulungan kasama ang iba pang mga oso. - Medyo malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Markus. Laman pa rin ng isipan niya ang pangyayari kanina. Na kung nagkataon na mag-isa lang siguro siyang nagpunta ng kabundukan ay posibleng napahamak siya. Hence, it was a blessing in disguise, how a real bear had used to saved his life. "Bakit gising ka pa?" Nabalik siya sa realidad nang marinig ang tinig ni Betina. Hindi niya akalaing gising pa rin pala ito habang nakahiga sa may bandang gitna ng bahay kubo. Hindi naman malabong matunugan nito ang kaniyang kilos dahil hindi naman ganoon kalayo ang agwat nila sa isa't isa. May nakaharang nga lang na dingding na gawa mula sa kawayan at pawid ang bawat division na humahati sa bawat sulok ng bahay kubo. At mula sa gilid ay sumagot siya kahit hindi niya man nakikita ang ekspresyon ng mukha ni Betina, "Iniisip ko lang ang pangyayari kanina. Matanda na ako sa aking pangalawang buhay at medyo mahina na rin kaya kung wala ang oso ay posibleng napatay ako ng makamandag na ahas." "Tama ka, siguro ay ipinagkaloob ng Diyos na mangyaring samahan ka ng oso. At akalain mong, tunay na oso pa talaga ang sumama sa iyo." "Nakatutuwa nga, Betina, dahil ngayon ko lang napagtanto na masarap pa lang maging kaibigan ang isang oso." "Isang tagumpay iyon bilang tao, dahil madalas ay katakutan ang mga oso dahil sa kilala rin silang mababangis na species katulad ng mga tigre at leon. Pero katulad nga nang sinabi ko, nagkataong mababait ang mga alaga nating oso. Kailangan mo lang makuha ang kiliti nila at masaya ang mga oso kapag alam nilang inaalagaan at pinapakain sila." Napangiti siya sa sinabing iyon ni Betina at unti-unti nang pumikit ang kaniyang mga mata. "Markus, nawala ka, gising ka pa ba?" Hindi na niya narinig pa ang katanungang iyon ng dalaga. At tila naging sagot ang magkakasunod niyang hilik nang matunugan iyon ni Betina. Samantala'y hindi maiwasang isipin ni Betina kung ano ba talaga ang dating itsura ni Markus sa dati nitong buhay. At bilang diwata ng buhay at kamatayan ay lihim siyang naglakbay upang magtungo sa mundo dati ni Markus. Ang mundo kung saan ay uso ang krimen. Ang mundo na walang libreng pagkain kung wala kang pananim. Ang mundo na tumatakbo sa negosyo ng mga mapepera o mayayamang tao. Walang duda na ang mundong nakamulatan ni Markus ay umiikot lamang sa pera. Na kung wala kang pera ay hindi ka mabubuhay. "Grabe, ito ba ang dating buhay ni Markus? Magulo at umiikot lamang sa pera?" Hindi maiwasang ma-disappoint ni Betina sa nasaksihan. Gayundin ang ilang krimen na kaniyang natatanaw mula sa kinaroroonan. "Kung ako si Markus ay hindi ko na gugustuhin pang bumalik sa dati kong buhay," ang sabi pa niya sa sarili. Narinig pa niya ang pagpapalitan ng komento ng isang ipinagbabawal na grupo sa buong mundo. Isang grupo ng sindikato. "Matagal nang patay si Markus, kaya bakit ba hindi n'yo siya mapigilang ikumpara sa akin?" Namilog ang kaniyang mga mata sa narinig. Kaya naman napatanong siya sa sarili, "Si Markus kaya ang tinutukoy ng lalaking ito?" Lingid sa kaniyang kaalaman na tama nga ang hinala niya. Dahil ang lalaking narinig niyang nagsalita ay si Skie na isa sa dahilan kung bakit namatay si Markus sa isang tragic accident. Ang lalaking malaki ang inggit kay Markus noon pa man dahil sa angking galing nito na hindi makita ni Mr. Consuelo. Sa kasalukuyan ay nagpasya nang lisanin ni Betina ang lugar na 'yon. Hindi niya masikmura ang ganoong pamumuhay. Hanggang sa mapadpad siya sa isang aksidente. Habang nakikita niyang humihiwalay ang kaluluwa ng taong iyon sa katawan nito. Gayundin ang pagkagulat ng kaluluwa nito nang makita siya. "Ikaw ba ang sundo ko? Patay na ba talaga ako?" At doo'y dahan-dahan siyang napatango habang nakikita niyang napapaluha ang kaluluwang kausap niya. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD