ILANG SEGUNDO rin ang lumipas bago pa sila muling nakapagsalita matapos makita ang presensya ni Aleng Marissa. "Tama ba ang narinig ko? Na i-ikaw si Markus? I-ikaw ang anak ko?" hindi makapaniwalang pagbungad nito. Dahilan para mapatayo sa kinauupuan sina Markus at Marek habang sandaling nagkatitigan. Ilang sandali pa, bago pa man humakbang si Markus palapit kay Aleng Marissa ay nagtaka siya nang makita ang pagpigil nito dahilan para siya'y matigilan. "Imposibleng ikaw si Markus dahil hanggang sa huling sandali ay nakita ko siya kung paano maging isang abo ang katawan niya. Kaya paano mo nasabing ikaw si Markus?" "Inay," pagtawag niya at sa sandaling iyon ay kaniyang hindi na mapigilan ang sariling luha. Habang pinalalakas naman ni Marek ang kaloohan niya dahil sa pagngiti nito sa kaniya

