Chapter 4- Markus As The New Guardian

1776 Words
HINDI NIYA alintana ang paglapit umano ng mga oso mula sa kaniyang kinatatayuan. Lumalalim na ang gabi ngunit ang kaniyang isip ay tila naiwan pa rin sa pangyayari kanina. Subalit kakaibang saya ang nanaig sa sarili niya nang makita kung anong pag-amo ng mga oso sa kaniya. "Masasanay ka rin sa kanila, tanda. At sigurado akong mapapamahal ka rin sa kanilang lahat." Hindi niya inaasahang nasa kaniyang tabi na si Betina habang pinapapasok sa kani-kaniyang kulungan ang mga oso. At nang makapasok na lahat ng mga oso sa kulungan ay doon siya binalikan ng tingin ni Betina saka sinabi, "Gusto mo na bang magpahinga?" Walang alinlangan siyang napatango. Saka siya iginiya ni Betina sa kubo habang nakasunod lang siya rito. As they enter, he would not expect the smooth ambiance of nipa hut. Ibang-iba ang ganda noon sa karaniwang nakikita niyang kubo dahil maayos ang pagkakatayo ng mga haligi't dingding. And for some reason, it was give him a comfortable feeling. Matapos siyang ipaglatag ni Betina nang mahihigaan ay doon lang siya nakapagpasalamat sa dalaga, "Betina, salamat." Doo'y hindi maiwasang magtagpo ng kanilang mga mata at si Betina na mismo ang lumihis ng tingin sa kaniya. "Wala 'yon, ano ka ba, sige na, magpahinga ka na at haharapin mo pa ang panibagong araw bukas." Napatango naman siya sa sinabi ng dalaga bago pa siya nito iwan mula sa kinatatayuan. Animo'y naglaho na lang na parang bula si Betina at sa kalaliman ng gabi ay napaisip siya sa kinahantungan ng kaniyang buhay ngayon. It seems how hard to understand, on why it could happen to him. It was still like a dream. Until he closed his eyes with tears. Pero wala siyang kamalay-malay na pinagmamasdan lamang siya ni Betina mula sa kinaroroonan nito. Si Betina na siyang nakatakdang gumabay kay Markus mula sa panibago nitong buhay. Kinabukasan ay hindi inaasahan ni Markus na kaniyang mabubungaran ang bilang ng tao na nasa kaniya-kaniyang mga kulungan. Karamihan sa mga ito ay lalaki. At para siyang bumalik sa kapanahunan nina Eva at Adan dahil ang mga suot nito ay tinatakpan lamang ng dahon ng anahaw at bao ang mga pribadong parte ng katawan nito. Nagmamakaawa ang mga ito na palabasin na dahil mukhang gutom na gutom na. At sa kaniyang paglapit sa kulungan ay hindi niya namalayan ang pagdating ni Betina. "Mabuti naman at gising ka na, tapos ko na silang paliguan at bihisan. At bilang amo nila ay dapat mo silang pakawalan matapos maipaghanda ng makakain." "Kung ganoon ay magluluto ako ng pagkain para sa kanila?" Napatango si Betina. "Ganoon na nga. Halika na at magpasilab na tayo ng apoy. Sigurado akong kumakalam na ang kanilang mga sikmura at gano'n ka rin." Hindi niya mawari ang magiging reaksyon nang biglang may inilabas na itlog ng bibe at bigas si Betina mula sa basket na dala-dala nito. "Saan nanggaling 'yan?" "Maaga akong gumising upang kumuha ng itlog at palay." "Pero saan ka ba natulog kagabi? Iniwan mo naman ako, e," katwiran niya. Nagtataka pa rin kasi siya sa biglang pagkawala at pagsulpot ni Betina sa bawat pagkakataon. Animo'y namuo ang kaniyang pagtataka sa sarili mula sa katauhan ng dalaga. "Basta, hindi mo na kailangang alamin pa. Ang importante ngayon ay sanayin mo ang iyong sarili na iba-ibang pagkain ang ihahain mo sa mga alaga mo, sa umaga kasi ay nag-aanyong tao sila at kapag dapit-hapon naman ay nag-aanyong oso." Subalit ang ipinagtataka niya ay hindi man lang makapagsalita ang mga taong nasa loob ng kulungan. Para itong mga pipi at tanging kaluskos lamang ng kulungan at pag-ingit ng mga ito ang maririnig. "Pero, bakit hindi sila nagsasalita katulad ko? At hindi rin sila nakakakilos ng kilos tao?" "Dahil iyon ang sumpa sa kanila," tipid na sabi ni Betina. Isinabay na nila ang itlog upang malaga ito habang kumukulo ang kanin. At habang hinihintay na maluto ang kanin ay hindi maiwasang ilibot ni Markus ang kaniyang tingin sa mga taong nasa loob ng kulungan. Dahil kung pagmamasdan ay anyong tao ang mga ito ngunit asal hayop pa rin ang kilos. At sa kaniyang paglapit sa mga ito ay hindi niya naiwasang maglabas ng saloobin, "Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napunta ako sa lugar na ito, pero umaasa ako na matatanggap n'yo ako bilang bagong tagapangalaga ninyo." Hindi niya inaasahan ang pagtango ng mga taong nakatingin lamang sa kaniya at kaniya-kaniya namang tingin ng mga ito sa isa't isa. Wari'y nagkakasundo na i-welcome siya bilang bagong tagapangalaga. Matapos maihain ang pagkain sa dahon ng saging na nakalatag sa may bermuda ay isa-isa niyang pinakawalan ang mga tao na nasa kulungan at kaniya-kaniya naman itong takbo papunta sa pagkain. "Hayaan mo lang sila, ganiyan talaga sila kung kumilos, masasanay ka rin." Napalingon siya kay Betina na ngayon ay nagsasandok na ng pagkain para sa kanila. "At ngayon, kumain na rin tayo. Sigurado akong kakailangan mo ng lakas sa buong maghapon. Dahil dito, kung ano ang almusal ay siyang pagkain na rin hanggang tanghalian." Napaisip siya sa sinabi ng dalaga. Kakaiba talaga ang bago niyang pamumuhay. Kung kaya't dinamihan na niya ang pagkain upang makabawi sa ilang oras na lilipas. Dahil masyado pang maaga para sumapit ang hapon, kung saan ay doon lang muli p'wedeng makakain. Habang kumakain ay nagsalitang muli si Betina, "Magpupunta ako mamaya ng sapa upang makakain naman ng isda." "Mabuti pa rito at libre lang ang mga pagkain, hindi katulad sa dati kong mundo, wala na yatang libre, kaya bago mo pa man makuha o mabili ang gusto mo, kailangan mong pagtrabahuhan ito." "Gano'n din naman dito, tanda. Pahirapan din sa pagkuha. Ang pinagkaiba lang ay kukunin mo na lang at hindi mo na kailangan pang magpaalam o bilihin. Dahil lahat ng mga nandito ay pag-aari natin." Habang abala sila sa pag-uusap ay hindi nila alintana ang pagbaho ng kapaligiran. Mabuti na lamang at katatapos lamang nilang kumain. "Ano 'yon?" tanong ni Markus. At nang ilibot niya ang tingin ay kaniya-kaniya pa lang pagdumi ang ginawa ng kanilang mga alaga. "Ganiyan talaga sila, nakakalimutan na kasi nilang dumumi bago ang oras ng pahinga kaya madalas ay sa umaga sila dumudumi. Hayaan mo at tutulungan kita." Napatango siya at matapos lamang maghugas ng kamay sa may poso at nagtulungan sila ni Betina na linisin ang mga dumi sa bermuda at nilinisan din ng puwet ang mga alaga. "Paano pala ang sabon dito?" "Hindi uso ang sabon dito, pero nakalikha ako ng mabulang elemento na siyang isinasabon ko sa kanila at sa aking kamay upang mawala ang amoy." Ipinakita ni Betina ang kulay berde at malapot ang texture ng liquid na siyang inilagay nito sa kaniyang kamay. "Panghugas ito ng mga plato sa amin, Betina. Paano mo ito nagawa?" "Hindi ko rin alam kung paano ko 'yan na-imbento. Ang alam ko lang ay gamit ang asin, tubig saka ilang chemicals na maaaring magpabango at magpabula. Winisikan ko pa iyan ng kalamansi para siguradong kakapit ang bango." "Kung ganoon ay nakakahanga ka, Betina," pagbigay ng papuri ni Markus. Out of nowhere, Markus has begun to think of any possibility that he could apply from the old world to his new world. Bagay na nagpapaalala sa kaniya dahil sa modernong pamumuhay na nakasanayan ay mas napapadali ang mga gawain, hindi katulad sa mundo niya ngayon na susubukin ang iyong talino at diskarte. Sumapit ang dapit hapon at hindi na siya nagtaka sa pagbabago ng anyo ng mga tao bilang oso. Kaniya-kaniyang laglag din ng mga suot nitong dahon ng narra at bao sa may bermuda na kaniyang dinampot kan at itinabi. "Oras na naman para magluto ng hapunan, tanda." "Hindi talaga ako sanay na tawaging tanda, Betina. "Pero kailangan mong tanggapin ang bago mong anyo, tanda." "Hay, Markus na lang kasi," pagtatama niya rito na ikinangiti ni Betina. "Markus? E, pangbinata ang pangalan na 'yon, e." "Pero iyon talaga ang pangalan ko," mariing pagtatanggol niya sa sarili. Saka niya narinig ang malakas na pagtawa ni Betina. "O, siya, sige, Lolo Markus, p'wede na ba?" Bahagya siyang natawa habang napapailing. "P'wede na nga, ang mahalaga ay nababanggit pa rin ang aking pangalan." Hindi namalayan ni Markus ang namumuong pagkakaibigan nila ni Betina. At kahit nalalayo ang edad niya ngayon sa dalaga ay hindi maitatangging nakakaramdam siya ng kakaibang paghanga rito. "Teka, nasaan na pala ang mga isda?" Pagkasabi niya no'n ay tila sinampal siya ng katotohanan nang agad na inilantad ni Betina mula sa kaniyang harapan ang mga nahuli nitong isda. "Buhay na buhay pa," wika pa niya. "Ikaw na ang bahala sa kanila. Habang ako ay makikipaglaro na muna sa mga oso." Napapakamot naman siya sa ulo nang sabihin iyon ni Betina. Pero aaminin niya na kung wala ito ay hindi magiging makabuluhan ang paglalakbay niya sa panibagong mundo. Pahirapan sa pagpatay ng isda dahil nagtatalunan ang mga ito sa tuwing susubukan niyang sugatan. "Pambihira," tanging nasabi niya sa kawalan. Tagaktak na ang kaniyang pawis nang biglang sumulpot na naman si Betina. "Ayos ka pa ba, Lolo Markus?" Gusto niya sanang ma-insulto sa pagbungad nito, pero dahil narinig niya naman dito ang maganda niyang pangalan ay napangiti pa rin siya. "Mukhang hirap na hirap ka sa pagpatay sa mga isda, ganito na lang 'yan." Ipinakita sa kaniya ni Betina ang technique kung saan ay mabilis itong naglagay ng papel bilang laruan sa kinaroroonang timba ng mga isda, at nakita niya na lang na unti-unti ang mga ito na tila nauubusan ng hangin sa katawan at kasabay ang pagkawa ng malay. "Ang galing, gano'n lang pala 'yon." Saka niya isa-isang tinanggalan ng hasang ang mga isda. Na medyo gumagalaw pa rin pero hindi na kasing aktibo ng kanina. "Ano pa lang luto ang gagawin ko rito?" "Sabawan mo na lang na winisikan ng kalamansi. Sandali at pipitas lang ako ng sibuyas, kalamansi at kamatis." Napatango siya sa sinabi ni Betina. At habang abala siya sa paglilinis ng mga isda ay siyang lapit naman ng mga oso sa kaniya. Bilang pag-amo ay kaniya-kaniya itong kuskos ng nguso mula sa kaniyang pang-ibabang damit. "Nagluluto pa ako ng hapunan natin, maglaro na muna kayo roon," utos niya sa mga ito. Na tila naintindihan naman ang kaniyang sinabi. Pagbalik ni Betina ay masaya niyang i-k'winento ang nangyari. "Ganiyan talaga sila, utak tao pa rin kasi sila kaya mabilis ka nilang naiintindihan. Iyon nga lang ay hindi nila maiwasang kumilos bilang hayop sa umaga hanggang hapon." "Gaano katagal na pala silang naninirahan dito?" At hindi niya inaasahan ang kasagutan ni Betina, "Matagal na panahon na rin, hindi ko nga alam kung babalik pa ba sila sa dati." Matapos marinig iyon mula sa dalaga ay sandali siyang napaisip sa kawalan, "Ako kaya, kailan makababalik sa dati kong anyo?" Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD