WALANG tigil sa pag-iyak si Lia sa bisig ng asawa habang nakatingin sa loob ng kabaong kung saan nakahiga ang wala nang buhay na si Lola Martha. Pinasuot nila dito ang isang kulay puti na bestida at kinabit ang flower brooch na niregalo nila noong kaarawan nito. Niyakap niya ng mahigpit si Michael nang mapahagulgol ito dahil sa labis na pagdadalamhati. Si Lola Martha ang nag-alaga at nagpalaki kay Michael habang nasa America at nagtatrabaho ang mga magulang nito. Si Lola rin ang nag-training kay Michael kung paano patakbuhin ang negosyo ng pamilya. She was his great life mentor. Kaya ganoon na lang ang pagluluksa ng kanyang asawa dahil biglaan pagpanaw nito. Nakadagdag pa sa sakit na pinagdadaanan ng pamilya ang katotohanan na sarili nitong kadugo ang dahilan ng pagpanaw ni

