NAGISING si Michael nang umaga na iyon mula sa huni ng mga ibon at tunog ng alon sa dagat. He took a deep breath and started his day with a smile. Napalingon siya sa kanyang tabi, in his arms is his gorgeous wife. Tulog na tulog pa rin ito habang nakayakap sa katawan niya ang braso nito at nakadantay ang isang hita nito sa kanya. Exposing her nakedness that should be hiding under the blanket. Kahit na matagal na silang kasal, hindi pa rin nawawala sa kanya na hangaan ang maganda at perpektong hubog ng katawan ni Lia. Ganoon nga yata kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Hindi ka kailanman magsasawa sa kanya. At ganoon siya sa kanyang asawa. Ngayon gusto niyang batukan at murahin ang sarili kung paano niya nagawang talikuran ang babaeng gaya ni Lia noon. Kung paano niya n

