“HUWAG n’yo alalahanin ‘yong tungkol sa kaso, nakabantay naman ako eh,” sabi ni Musika sa kanilang mag-asawa. “I heard Imee’s lawyers are working out on her bail,” sabi ni Lia. Tumango ang kakambal. “If approved, she can go out. Pero gaya ng sabi ko, wala kayong dapat alalahanin dahil kahit makalabas siya, it doesn’t mean iuurong na ‘yong kaso. She’s still on watch list, may travel ban din siya kaya di makakaalis ng bansa. I have my men keep their eyes on her. Akong bahala.” Bumuntong-hininga siya. “Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya nagsasalita tungkol sa identity ng taong sumaksak sa akin?” Umiling si Musika. “Pinaninindigan talaga n’ya ang pananahimik.” “It’s getting really frustrating, Ikah. Hindi matapos-tapo

