“I CAN’T believe I’m here again with you, parang kailan lang inaayos ko pa ang kasal n’yo. Ngayon, ikakasal na naman kayo?” natatawang sabi ng events organizer na siya rin nag-ayos ng kasal nila noon na si Apple. Ang babae rin ang nag-ayos ng kasal ni Musika. Kaklase at kaibigan niya ito simula pa lang highschool, bukod doon ay kapitbahay din niya ito bago umalis sa lugar nila noong makapag-asawa. Dahil libre siya sa araw na iyon at nasa trabaho rin naman si Michael, tinawagan niya ang kaibigan nang sa ganoon ay mapag-usapan na nila ang mga detalye ng darating na kasal. Kaya naman napagkasunduan nilang magkita sa isang restaurant sa Greenbelt, Makati. Nakangiting nag-angat siya ng tingin. “I know, right? Michael really wants to push through this wedding. Alam m

