CHAPTER 14
NAKASANDAL ako sa pader na nasa b****a ng University. Hinihintay ko si PJ at si Kat. Nakaalis na si kuya at nakapag-usap narin kaming tatlo nila Boss sa pamamagitan ng conference sa kotse niya nang tumigil kami sandali sa kung saan. Dahil sa galing ng Experiment Department, may button lang kami na kailangang pindutin at makakausap na namin si Boss o kahit na sinong agents gamit ang windshield ng sasakyan.
"Yo, Mrs. Night."
Napatingin ako sa nagsalita. Si PJ, kasunod niya si Kat na humahangos na lumabas ng kotse ni PJ. Simpleng may pinindot lang si PJ para sumarado ang lock ng kotse. Nakatingin lang siya sa akin at hindi man lang nilingon si Kat.
"Ewan ko sayo. Buti magkasabay kayo ni Kat ngayon." sabi ko sa kaniya.
"Pinilit lang niya ko-"
Napangiwi ako ng maputol ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinampas ni Kat ng bag. Madilim ang mukha na nilingon niya si Kat na dinilaan siya at pinalo ulit. Ganiyan yang dalawang yan. Aso't pusa.
"What do you think you're doing?" tanong ni PJ dito.
"Hitting you. Hindi mo man lang ako pinagbukas ng pinto. Napakagentle man mo talaga Asyong Paris James. Makaalis na nga."
Nginitian ako ni Kat pagkatapos ay sinimangutan niya si PJ. Nakangiting napapailing ako ng makita ko siyang pumasok sa loob na animo naglalakad sa cat walk na nilalakaran niya kapag nag mo-modeling siya. Yup, past time niya. Napapatingin sa kaniya ang mga nadadaanan niya.
"Hi, boys."
Nag flying kiss pa siya don sa mga lalake na exaggerated na sumandal sa locker na animo hihimatayin nang makita si Kat. Tumawa lang si Kat at tuluyan nang naglakad palayo.
"That woman, I'm gonna kill her." sabi ni PJ.
"You can try."
Natatawang pumasok na ako. Sinundan ako ni PJ. Hindi ko pinansin ang mga nakatingin sakin. Hindi ako model kaya hindi ko naman sila siguro kailangang batiin katulad ng ginawa ni Kat. Simpleng tango lang ang ginawa ko.
"She's so cool."
"Cute and cuddly."
"Beautiful."
I rolled my eyes. Ako, cuddly? Nilingon ko si PJ at nakita kong nakataas ang sulok ng labi niya. Ay, ewan. Ang hirap talagang intindihin ng mga lalaki. Sabi nila complicated ang mga babae,. Parang ang mga lalake naman hindi?
Pumasok na kami sa room namin at naabutan naming nakaupo na si Kat sa pwesto niya at kasalukuyang nag re-retouch. PJ aquinted his eyes at her pagkatapos ay umupo na rin. Sumunod ako sa kaniya dahil magkatabi lang naman kami nang mapansin kong lumapit sakin ang isang transfer student na lalaki na mukhang lumulutang na sa atensyon na ibinibigay ng mga babae naming schoolmates. Nakasunod sa kaniya ang dalawang babae na mukhang bago lang din.
Lalagpasan ko na sana sila ng bigla akong mapatigil. I gritted my teeth at nilingon ko ang transfer student na nakangisi lang sakin.
He effing touched my behind. Lumapit ako sa kaniya at nginitian ko siya ng matamis. Mukhang mas lalong lumakas ang loob niya. Inilapit ko ang katawan ko sa kaniya. Napansin kong lumalayo na ang mga kaklase kong babae na kilalang-kilala na ako.
"Did you just touched me?" nakangiting tanog ko sa kaniya.
"Yup. You like it?
Ngumiti lang ako sa kaniya at iminuwesta ko na ilapit nya ang mukha niya sakin na ginawa naman niya. Tumahimik ang room at mukhang pigil ang mga hininga na hinihinintay nila ang gagawin ko sa lalaking ito.
"I can give you something better than that." sabi niya sa akin.
"Really? I have a better idea."
Malakas na mga pagsinghap ang narinig ko na hindi lang galing sa transfer student na ngayon ay namimilipit na sa sakit sa paanan ko dahil sa pagsipa ko sa hinaharap niya. Napangiwi ang mga lalaki kong kaklase na minsan naring nakaranas ng bagsik ko. Tumingin sila sakin at nag thumbs up na bahagya kong ikinangiti.
Narinig ko pang napa 'ouch' si PJ na nakapalumbaba na nanonood lang samin ng lalaking to. Alam naman niyang kaya ko ang sarili ko. Binalik ko ang tingin ko sa transfer student na nakahiga parin sa sahig. You deserve that jerk. Umupo na ako sa upuan ko.
Mabilis lang naman na lumipas ang buong maghapon. Lecture dito, recite doon. Nakatingin lang kami ni PJ sa bintana pero nakikinig naman kami. Studying is still important kahit na kaya mo nang buhayin ang sarili mo. Ika nga nila, ang pera nauubos pero ang karunungan hindi.
Pagdating ng uwian ay nauna na si PJ sa baba dahil kinausap ko pa ang isa sa professor namin. Habang naglalakad ako sa hallway ay narinig kong tumunog ang cellphone ko.
***FR: Dale
Susunduin kita mamaya, baby.***
Lumingon-lingon ako para tignan kung may nakabasa ng text ni Dale. Muntik pang bumangga ang mukha ko sa mukha ni PJ na nakikibasa din ng message ng ‘asawa’ ko.
"Damn it, PJ. Wag ka ngang manggulat. Akala ko nasa baba ka na?"
Nainip ako. So, mukhang hindi ka makakasabay sakin. Mauna na ako sayo, sa baba ko na lang hihintayin ang babaeng yon."
Si Kat ang tinutukoy niya. Napatigil ako sa akmang pagbaba ko nang naalala ko ang notes ko. Nakalimutan ko sa classroom. Dali-daling bumalik ako doon at kinuha iyon. Baka malapit na si Dale, mainipin pa man din yon na parang si PJ.
Naglalakad na ako sa hallway nang maramdaman kong may sumusunod sakin. Walang tunog ang mga hakbang ko kaya rinig na rinig ko ang mga yabag na animo nanunubok dahil sadiyang hinihinaan nila ang mga yabag nila. May mali akong nararamdaman.
Or maybe, paranoid ka lang. Siguro nga. University to kaya malamang maraming tao. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.
What the- tinignan ko ang dalawang babae na bigla na lang humila sa akin. Kilala ko ang dalawang to. Sila ang transfer student na kasama ni Duke, ang lalaki na tinuhod ko kanina. Krista at Melanie ang pangalan nila. Masama ang tingin nila sa akin na animo gusto nila akong sabunutan.
Straight faced na tinignan ko lang sila nang ipinasok nila ako sa isang bakanteng room. Itinulak nila ako papasok. Kung hindi lang ko tinuruan ni Boss ng control baka binali ko na ang mga buto ng dalawang to.
"Waka kang karapatan na saktan ang loves namin!" sigaw sakin ni Krista
"Mabubulok ka dito!"
Tinalikuran nila ako at nagmamadaling lumabas. Base narin sa naririnig kong kaluskos sa labas ay nilagyan na nila ng padlock ang bakanteng kwarto na ito. Tinatamad na bumuntong-hininga ako at kinuha ko iyong cellphone ko. Nag text si Dale, nasa baba na daw siya.
Sasagutin ko sana ang message niya para sabihin na nakulong ako dito ng bigla na lang iyong mamatay. Great. I made a mental note to always charge my phone.
Tumingin ako sa pinto. Now what? Kung babarilin ko ang pinto nato ay siguradong magkakagulo ang buong school. Kung sisigaw naman ako, malabong marinig nila ako sa labas. Nilingon ko ang bintana. I guess that's my only option.
Binuksan ko ang salamin na bintana at isinampa ko ang dalawa kong paa. Sa pagkakaalam ko may bukas ang bintana na room dito. Mga three rooms mula sa kinaroroonan ko. Maingat na ibinaba ko ang paa ko sa maliit na daanan. Nabulabog ko pa ang mga ibon na nanahimik na nakadapo sa mga inaapakan ko.
Napatingin ako sa baba. Infairness ang taas. Nasa fourth floor kasi ang room namin. Nakita ko si PJ at ngumisi ako sa kaniya. Mukhang hinihintay niya parin si Kat. Nanglaki ang mga mata niya at napakurap nang makita ako.
"What the hell on earth are you doing?!"
Hindi ko na siya pinansin at nag concentrate na lang ako sa ginagawa ko. Paniguradong karumaldumal ang magiging itsura ko kapag nahulog ako. Madudurog ako panigurado.
Napangiti ako nang makapasok na ako sa room na bukas ang bintana. Sinilip ko si PJ na parang aatakihin sa puso at kinawayan ko siya. Saka na ako mag e-explain sa kaniya dahil may kailangan pa akong gawin.
Pumasok ako sa room kung saan nakita ko ang dalawang bruha na nagkulong sakin na nagtatawanan. Namutla sila nang makita ako at mukhang hindi makapaniwala na nakalabas ako roon. Ngumiti ako sa kanila.
"Missed me?"
Hindi ko na inintay ang sagot nila dahil hinawakan ko sila sa mga kwelyo nila at hinila palabas ng room. Nakasunod samin ang mga iba pa naming kaklase na halatang nagtataka kung anong ginagawa ko. Tinignan ko si Brian, isa sa mga kaklase ko.
"Kunin mo yung susi sa bulsa ng babaeng to."
Sinunod naman niya ako. Binuksan nila ang room na iyon kung saan ako kinulong ng dalawang to. Hindi ako tumagal ng thirty minutes, pero sigurado ako na sila tatagal. Itinulak ko sila papasok doon at matamis na nginitian. Kinuha ko yung susi at walang babalang tinapon ko yon sa labas ng nakabukas na bintana.
"Sa susunod wag niyo akong babanggain. Dahil baka kayo hindi ko lang banggain, sasagasaan ko pa kayo."
Sinarado ko ang pinto at nilock ko ulit iyon. Nagbilang ako hanggang lima at hindi pa umaabot doon ay narinig ko na ang sigawan nila sa loob. Tinignan ko ang mga kaklase ko na natatawa lang at napapailing.
"Kapag tinulungan niyo ang dalawang yan, isasama ko kayo sa loob." banta ko sa mga kaklase ko habang inaayos ko ang damit kong bahagyang nagusot.
"Sure, Mishy." sabi ng isa kong kaklaseng babae. Halata sa mukha niya na naasar din siya sa dalawang babae na nasa loob.
Naglakad na ako palayo. Baka umakyat pa dito si Dale kapag hindi pa ako bumaba. Katulad ng sabi ko, mainipin ang isang iyon. Gusto ko narin namang umuwi.
"Mga pare alam niyo ba ang kwento tungkol sa room na yan?"
"Oo, bro. Naikuwento na samin. May bigla na lang daw lumalabas na magkapatid na babae na nagpatayan sa kwarto na yan."
Lihim na napangiti ako nang marinig ko ang sigawan nila Krista at Melanie. It's not my fault that they messed up with me. Hindi kasi ako naniniwala sa kasabihan na kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay.
Hindi bato kundi bomba ang ipupukol ko pabalik sa kanila.