Chapter 10

4447 Words
CHAPTER 10 ANG boring. Eksaktong isang linggo na ako dito sa bahay ni Dale at pakiramdam ko mamamatay na ang lahat ng ugat sa katawan ko kapag hindi parin sila dinaanan ng adventurous blood ko. Kung pwede lang gibain ang bahay nato at buuin ulit para lang mawala ang pagkabagot na nararamdaman ko ngayon, ginawa ko na sana. Idagdag pa na wala akong pasok dahil bakasyon namin. Tinawagan ko si Boss kahapon at sinabi kong pwede parin naman akong tumanggap ng lower missions dahil wala naman akong ginagawa dito. Pumayag naman siya at sinabing tatawagan na lang ako kapag meron na. Next week pwede nang bumalik sa trabaho si Dale, iyon nga lang hindi katulad ng dati dahil hindi parin sya pwede sa mabibigat na gawain. Kumbaga ay test lang ito kung naaalala pa niya ang mga ginagawa niya dati. May gagabay naman sa kaniya doon para sa mga bagay na nakalimutan na niya. Tapos na ang 'period' ko pero dahil sa kuya kong matalino ay nagawan na namin ng paraan ang doctor at pinagbawalan niya si Dale ng kahit anong s****l activity. Wala akong ginagawa ng mga araw na nakalipas. Malaya sana akong gawin ang trabaho ko kapag tulog si Dale o kaya ay pag nagpupunta sila sa Doctor, ang kaso dumating ang kapatid niya na si Draco Miguel Night. Naaalala ko na naman ang unang beses na nagkita kami at hindi ko maiwasang mapangiwi sa ala-alang iyon. ***My eyes snapped open when I heard a faint noise downstairs. Maingat na pagsara at pagbukas ng pinto ang narinig ko na animo nag-iingat ang kung sino mang taong pumasok na may magising at makarinig sa kaniya. I'm sensitive to my surroundings. Kahit anong pagod ko, magigising ako kaagad kapag naramdaman ng katawan kong may mali sa paligid. Alas-dos pa lang ng madaling-araw. Sino naman ang matinong tao na dadating ng ganoong oras dito? Idagdag pa na bukod sa mga kasama sa bahay ay kami lang naman ni Dale ang nandito. "What is it, baby?" Kinukusot niya ang mga mata niya at tumingin sakin. He looked cute and hot with that pajama bottom he wore to sleep. At wala syang suot na pangitaas. Sandaling napatitig ako sa mukha niya pababa sa abs niyang naghuhumiyaw na tignan ko sila. Naputol ang ginagawang pagkakasala ng mga mata ko nang may marinig na naman akong mahinang kalabog. "Stay here." tumayo na ako pagkasabi ko non. "What's going on?" "May naririnig akong tao sa baba." "How can you possibly hear that? Anyway baka si-" Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sasabihin dahil nakalabas na ako ng kwarto pagkatapos kong kunin ang isang bagay na inipit ko sa ilalim ng side ko ng kama at nagmamadaling bumaba. I moved like a ghost as I ran downstairs. It's all part of my training. Nagkubli ako sa gilid ng hagdanan nang may makita akong anino. Base sa pigura nito, lalaki ang intruder dito sa bahay ni Dale. Mabuway din ang tayo niya na parang lasing. Kung hindi man ito isa sa mga tauhan ng B.E.N.D. o ni Marga, malamang ay tambay lang ito na walang magawa at gustong magnakaw. Walang pagdadalawang-isip na tinalunan ko ang lalaki na dahil sa kalasingan ay napasigaw na lang at sabay kaming tumumba sa sahig. Inumang ko sa leeg niya ang manipis ngunit matalim na kutsilyong hawak ko. "Who are you?" "Aray! Get off me!" Dinaganan ko siya para hindi siya makagalaw. Nanatili parin sa leeg niya ang patalim na hawak ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya ngunit nakita ko ang pagkabahala sa mga mata niya nang makita ang hawak ko. "Mishy!" Hindi ko inalis ang paningin ko sa lalaki na nasa ilalim ko kahit na bumaha ng liwanag ang paligid namin. Saglit na napakurap ako sa pagkasilaw but the next thing I knew, nasaklit na ako ni Dale sa bewang at nailayo sa magnanakaw. " Dale what are you doing-" "Kuya sino ba yan?! Aray! Anak ng- ang sakit ng likod ko!" Kuya? Napalingon ako sa lalaking inatake ko kanina at nanglaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nakahandusay doon. A pale guy who looks like a girl but with a muscular body. He looks like a...a splitting image of Dale. Draco Miguel Night. Pakiramdam ko gusto kong i-untog ang ulo ko sa pinakamalapit na pader. How can I be so stupid? "Are you okay, Mishy?" "Y-Yes." nauutal na sagot ko sa tanong ni Dale. I am not okay! Dinamba ko lang naman at inumangan ng patalim ang nag-iisang kapatid ni Dale. Stupid, stupid, stupid, Mishy! "Kuya, bakit siya lang ang tinatanong mo? Ako kaya ang nasaktan dito and would you please help me up?" "Sino ba kasing may sabi sayong bigla-bigla ka na lang pumunta dito?" sabi ni Dale kay Draco na nakanguso pa. Lumapit siya sa kapatid niya at tinulungan naman niyang makatayo. "Amm..S-Sorry dinamba kita." "Fine, patatawarin kita since maganda ka." "Back off, brother." banta ni Dale dito at hinila na ako paakyat ng hagdanan. Tsk tsk. Mana sa Kuya.*** At iyon nga ang makulay na unang pagkikita naman ni Draco. Okay naman siyang kasama dito sa bahay kaya lang mukhang hindi din siya pahuhuli sa pagiging maligalig katulad ng kuya niya. Kung saan-saan sumusulpot at paborito niya pang puntahan ang library. Hindi tuloy ako makatiyempo. Kinapa-kapa ko ang cellphone ko nang marinig kong tumunog iyon. Nakayukyok kasi ako sa lamesa habang nag-iisip kung paano matatanggal ang boredom ko. "Hello?" "Hi baby Mishy!" Napabangon ako mula sa pagkakasubsob ko sa lamesa. Biglang nabuhay ang mga ugat ko sa katawan nang marinig ko ang boses ni Boss. This should be good. "Mission?!" excited na tanong ko sa kaniya. Narinig kong napatawa siya. Halata naman kasi na excited na excited na ako. Kilalang-kilala na ako ni Boss. Alam niya na ako yung klase ng tao na hindi makukuntento sa buhay na nakaupo lang maghapon. I need some adventure to live. "New mission, want it?" tanong ni boss. "Hell, yes!" He chuckled. "Good, dumaan ka dito sa HQ. Ibinigay ko na kay PJ ang folder mo." Ngiting-ngiti na nagpaalam na ako sa kaniya at tumayo. Patalon-talon pa ako habang papunta sa living room. Wala na naman akong kailangang kunin sa taas dahil nasa kotse ko na ipinadala nila Kuya dito ang mga gamit ko Napahinto ako sa pagtalon-talon ko nang makita kong nasa living room pala ang magkapatid. Naaamuse na nakatingin sila sa ginagawa ko. I blushed and tried to smile at them. Ito ang napapala ng masyadong excited. "Now, why is my wife so cheerful, hmm?" Napalunok ako sa sinabi ni Dale. Oo nga pala. May asawa ako at kailangan kong magpaalam. To be exact I needed to make an alibi. Hindi ko namang pwedeng sabihin na ‘Honey aalis lang ako ha? May huhulihin lang akong tao. If I get lucky, maybe I can throw whoever that is to the nearest wall to ease my boredom.’ Yeah, right. Kapag ginawa ko iyon, siguradong magfre-freak-out silang dalawa. "Makikipagkita kasi ako sa bestfriend ko. Shopping." I tried to give him my winning smile. Mukhang effective naman dahil saglit na napatitig muna siya sa akin. "Okay. Here, you can use my credit card." sabi ni Dale na hinugot ang wallet nya at may hinila doon. "No." tumikhim ako at pinalambot ko ang boses ko na madiin ang pagkakasabi ng katagang iyon. "No, Honey. May credit card naman ako." "I insist. You’re my wife so it means this is yours too." "Okay." Lumapit ako sa kaniya at inabot ko yung credit card. Napasinghap ako ng bigla na lang niya akong hinila dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. My lips opened to complain but he just silenced me with a kiss. Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya para magkaron ng distansiya sa pagitan namin at ng mailayo ko narin ang mga labi ko sa kaniya. Nahihiyang tumingin ako kay Draco na natatawa lang. "Hurry back, baby." anas ni Dale. "S-Sure." Lumabas na ako at lumapit sa Baby Porsche ko. Sumakay ako doon at pinaharurot ko iyon paalis. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa HQ dahil para akong nakalutang habang nagdri-drive ako papunta roon. That kiss. Oh, God. Nang makapasok na ako sa garage ng BHO kaagad na dumiretso ako sa lab ni PJ kung saan naabutan ko siyang may kinukutinting na kung ano sa table niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para gulatin siya. "Stop trying, Mishy. Hindi mo ako magugulat." Napasimangot ako. Busted. Simpleng tinuro niya lang ang folder sa isang panig ng lab at hindi ako tinitignan na ipinagpatuloy ang ginagawa. Sanay na ako kay PJ. Alam niya lagi kung kailan ako dadating. Maybe because of the security cameras or maybe he just knows. Kahit ilang pagtatangka ko na gulatin siya hindi parin ako nagtatagumpay. "I have a new mission." "I heard. Unfortunately, I'm your 'eyes'. Again." "Unfortunately ka diyan." binato ko siya ng ubas na nakita ko sa table niya. Iniwasan niya lang yon at nanatiling nakatingin sa ginagawa. "So, nagpaalam ka ba sa asawa mo?" Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin na hindi rin naman niya nakita dahil hindi siya nakatingin sakin. Kung hindi ko lang kaibigan ang isang to baka ibinitin ko na siya patiwarik. Ang lakas mang-asar eh. Binuklat ko yung folder at binasa ang mga nakalagay doon. Saglit na napanganga ako nang makita ko ang pangalan na nandoon. "Maries Nueva." sabi ni PJ. "Yeah. My brother's ex-girlfriend." Inihinto na ni PJ ang ginagawa niya saka sumandal sa upuan. Tumingin siya sa akin at hinintay akong magsalita kung anong plano ko. Ganito ang ginagawa namin lagi kapag may mission. Babasahin muna namin ang information then pag-uusapan namin dahil in that way mas nakakaisip kami ng paraan para gawin ang mission. "May napapansin siya na laging sumusunod sa kaniya, nagpapadala ng mga regalo, messages, letters hanggang sa hindi na mga magagandang mensahe ang natatanggap niya." sabi ni PJ. "Man, this is serious. I wonder kung bakit hindi kay kuya to ibinigay. I bet he would love this." Siguradong matutuwa si Kuya kapag sa kaniya to ibinigay but maybe Boss realized how distracted my brother will be. Matagal din ang naging relasyon ni Kuya at Maries pero dumating ang punto na kinailangan ni Kuya na makipaghiwalay sa kaniya dahil nagiging delikado na ang buhay ni Maries dahil na rin sa trabaho namin ni Kuya. He let her go and she hated him for that. Alam ni Maries ang tungkol sa trabaho namin. Naiintindihan ko si Kuya dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, I'll let that person go if it means keeping him safe. "Who knows. Anyway, hindi pwedeng kumuha ng bodyguard si Maries dahil siguradong magtatago ang secret admirer niya. Katulad ng sabi dito sa files nakita niya na minsan ang lalaking iyon at ipinahabol sa guard. Doon nag start ang pagdating ng mga death threaths." sabi ko kay PJ na mukhang may malalim na iniisip. "Anong plano mo?" tanong sakin ni PJ "May katabing building sila Maries hindi ba? I can shoot the man from there." Ilang sandaling katahimikan ang namayani nang nanigas si PJ sa kinauupuan niya at tumitig lang sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at ikinaway ko pa ang mga kamay ko sa harapan ng mukha niya. Napapitlag siya at binigyan ako ng masamang-tingin. "Jeez! We need the man alive Mishiella." "Hindi ko naman sinabi na papatayin ko siya, duh? Patatamaan ko lang siya para hindi siya makalakad." "And how can you go to Maries kung sakaling atakihin siya ng lalaking iyon bago mo pa mabaril?" "Easy. May ikakabit ako na 101 Cord made by our very own, the greatest, the legend, PJ Roqas. Anyways tatawid na lang ako doon kapag kailangan." Napabuntong-hininga si PJ na ikinangiti ko. Wala naman siyang magagawa kapag ginusto ko at isa pa maganda naman ang plano ko. It's the only thing we can do to save Maries without scaring the crazy admirer. "Anong oras ka pupunta?" tanong ulit ni PJ. "Hmm...now." Tumayo na ako at naghalughog sa mga gamit dito. Kumuha ako ng binoculars at 101 Cord. Inilagay ko iyon sa isang itim na backpack. Ikinabit ko naman ang leg holster at nilagay ang isang baril doon. Inikot ko ang paningin ko sa lab ni PJ at napangiti ako nang makita ko ang isang may kalakihan na case doon. 101 Rifle. Ang mga ordinaryong mga baril at kung ano-anong kagamitan kasi ay ginagawa ni PJ na kakaiba o nagdadagdag siya roon ng kung ano. Like this Rifle. Mas pinahaba niya ang range nito. "Nagpaalam ka na ba sa asawa mo?" Inirapan ko siya. "Yes. Sabi ko mag sho-shopping ako. Here's the credit card, pakisabi na lang kay Kat na pakibili na lang ako ng kahit na ano and that she can buy something for herself too." "Kanino to?" "Dale." "Woah. Generous." I rolled my eyes at him. Kinuha na niya sa akin ang credit card. Isinuot ko ang LD ko at ang mic. Kaagad na tinest iyon ni PJ at nang makitang wala namang problema ay tinanguhan na niya ako. "May LD si Maries, you can talk to her if you want to." sabi ni PJ. "Got it." "Remember, Mishiella. Don't shoot if it's not necessary." "Opo, Itay." Tumakbo na ako palabas nang makita kong babatuhin na niya ako ng prutas na nahawakan niya. Natatawang pumunta na ako sa sasakyan ko. Asar-talo talaga ang lalaking yon. Pinaharurot ko na ang kotse ko nang makasakay ako roon. Hindi naman ako trigger happy. I just enjoy a good adventure pero kung kinakailangan, why not? "Strike, I'm warning you." Napailing na lang ako. Hindi talaga ako titigilan ng isang ito. Kaya ang sarap asarin eh. Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya ng LD. Binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Malalagot ako sa kapatid ko kapag may nangyaring masama kay Maries. Hindi ko din naman sya hahayang mapahamak, naging close na din naman kami ng sila pa ni Kuya. But I need to end that friendship when Kuya left her dahil ang gusto ni kuya ay hindi na namin isasangkot si Maries sa buhay na mayroon kami. Tumigil ako sa tapat ng katabing building ng kompanya ni Maries. Dumiretso ako sa loob at akmang magtutuloy-tuloy na ako nang marinig ko ang pagtawag ng receptionist. "Hello, Ma'am. Welcome to JT Incorporation. May appointment po ba kayo Ma'am?" I looked at her with cold eyes. Napalunok siya nang masalubong ang mga mata ko. I'm not angry, I'm just irritated. "Alisha Miranda." sabi ni PJ sa LD. Ngumiti ako sa receptionist. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang bahagyang pangingikig niya. Maybe the combination of my stare and bright smile is a bit contradicting. I jut don't like being interrupted. "Alisha Miranda." "Please wait a minute, Ma'am-" "I have seconds and that's it." Napalunok na naman siya. Nagmamadaling may tinignan siya sa log book at pilit ang ngiti na tumingin siya sa akin. Tumango siya. Tatalikod na sana ako para magmadali papunta sa pupuntahan ko nang tinawag na naman niya ako. Nilingon ko siya at nakaplaster parin sa labi niya ang pekeng ngiti na iginawad niya sa akin kanina. "Do you want me to lead you the way, Ma'am?" "No, I can manage." Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling umalis. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor ng rooftop. Sumandal ako at tumingin sa mga numerong nag-iindika ng palapag kung nasaan ako. Prenteng kumapit ako sa bakal sa likod ng biglang bumilis iyon. Courtesy of PJ, the best hacker in the world. Nang makarating ako sa rooftop ay hinugot ko ang binoculars mula sa backpack ko at hinanap ang opisina ni Maries. Hindi naman mahirap hanapin iyon dahil kasalukuyan niyang binubuksan ang malaking kurtina ng opisina niya. "Hi there, Girlfriend." Napapitlag siya. Nakita kong hinahanap niya ako. Alam kong hindi pa niya nakakalimutan ang boses ko. Hindi naman siguro ako ganong kadaling kalimutan, di ba? "No, don't try to find me. Makikita mo din ako mamaya." Bahagya siyang tumango at bumalik na sa pagkakaupo sa swivel chair niya. May suot siyang LD pero wala siyang mic, para maiwasan na kausapin niya ako. Nagsimula na akong mag-ayos ng mga gagamitin ko. Kinuha ko ang 101 Cord sa backpack ko at ibinalik ko na doon ang binoculars. Parang maliit na DVD Player ang 101 cord ngunit may hati iyon sa gitna. Hinawakan ko ang isang bahagi ng 101 Cord at may pinindot ako doon. I braced myself from the impact nang kumabit iyon sa bandang ibaba ng glass wall sa office ni Maries. Para akong hinihila. Dahil mas mataas ang kinaroroonan ko ngayon, pababa ang direksyon ko. Ikinabit ko iyon sa malaking pader sa kinaroroonan ko. May isinabit din ako doon na dalawang hoop. "Someone's entering the vicinity. Gear up, Strike." sabi ni PJ. "Acknowledged." Kinuha ko ang itim na gloves ko sa backpack at isinuot, pagkatapos ay binuksan ko ang case ng rifle at inumang iyon sa opisina ni Maries. What I love about this rifle na binago ni PJ ay hindi ito kasing bigat katulad ng ibang mga sniper rifle. "I might need to break your office wall." pagbibigay alam ko kay Maries habang nakasilip ako Nakita kong ngumiti siya at bahagyang tumango. I'll just tell kuya to pay for it. I'm sure papayag siya since kahit kaunting sandali lang na makita si Maries ay magiging masaya na iyon. Hopelessly in love. Isa si kuya sa mga rason kung bakit ayoko ng seryosohang relasyon, idagdag mo pa na walang nakakatagal sa akin. I don't see why I should bother loving someone that wouldn’t fight for me until the end. Dahil kahit anong mangyari hindi ko ipagpapalit ang mundong ginagalawan ko para lang sa isang lalaki . Napapitlag ako at dahan-dahang napatingin sa cellphone na nasa bulsa ko nang magvibrate iyon. Sino na naman itong istorbo nato? Sinaklit ko iyon mula sa bulsa ko at sinagot. Sa lahat naman ng oras na may tatawag, bakit ngayon pa? Pinindot ko ang loudspeaker at kinuha ko na ulit ang 101 Rifle at itinapat sa office ni Maries. "Hello?" "Baby, gabi na ah. Hindi pa ba kayo uuwi?" Napapikit ako ng mariin. Dale. Bakit naman ngayon pa? Sigurado akong naiinip na siya sa bahay kaya ako naman ang kinukulit niya. Dapat pala hindi ko na sinagot yung phone para akalain niyang busy ako sa pag sho-shopping. No, I can't. Dahil kapag ginawa ko iyon tiyak na ipahahanap niya ako. He treats me like a glass. "Patapos na kami ni Kat, Dale." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I miss you. May pupuntahan lang din ako sandali. I'll see you at home?" "Okay, Honey." Ibinaba ko na ang telepono at binalik ko ang atensyon ko kay Maries. Sa mga oras na ganito, hindi ako pwedeng mawalan ng konsentrasyon. Never namang nangyari iyon pero from the very start, Dale is the exemption. He always managed to distract me. Narinig kong tumawa si PJ sa kabilang linya. Parang gusto ko siyang ihulog mula sa rooftop kung saan ako naroon dahil alam ko kung ano ang pinagtatawanan niya. "Hey 'baby', mukhang kailangan mo nang umuwi. Hinihintay ka na ng 'asawa' mo." natatawang sabi ni PJ "Just die, PJ." "I can't. I know you'll miss me." I rolled my eyes. Kung hindi ko lang talaga best friend si PJ, baka matagal na siyang customer ng pinakamalapit na ospital sa BHO. Halata sa mukha ni Maries na nagulat siya sa narinig. Alam niya kung paano ko takbuhan ang salitang 'Permanent Commitment'. Sa tagal niyang naging boyfriend si Kuya nakita niya rin kung paano ko patakbuhin ang buhay ko. "It's nothing, Maries. Marriage is impossible for me and you know that." Umalerto ang bawat himaymay ng katawan ko nang biglang bumukas ang office door ni Maries. Base sa pangamba at gulat sa mukha niya, ito nga ang stalker niya. Hindi ko masisisi ang lalaking ito. She's beautiful. Mahirap maghangad ng bagay na alam mong hindi mapapasaiyo. You'll end up hurt or you'll end up like this man na walang ginawa kundi takutin ang babaeng gusto niya. Dumapa ako sa makapal na harang ng rooftop. Hindi naman siguro ako mahuhulog. Tinutok ko sa binti ng lalaki ang 101 Rifle. This won't kill him but it will hurt. Really hurt. "Mabuti at wala kang kasama, Maries, masosolo kita. Ang dami ko ng plano para sa ating dalawa na tiyak kong magugustuhan mo." "Sino ka ba?" tanong ni Maries dito na halata ang takot sa mga mata. "Ako ang kapalaran mo. Akin ka lang." "Hindi ako mapapasaiyo!" That's right, girl. Kay kuya ka lang, and speaking of him, kailangan ko nang kumilos kung ayaw ko na mapagalitan niya. "Akin ka!" I breathed through my mouth. Gumalaw ang dalari ko na nasa gatilyo at hinila iyon nang humakbang ang lalaki palapit kay Maries. Wrong move, man, wrong move. Namimilipit na bumagsak siya sa sahig habang nakahawak siya sa dumudugo niyang binti. Halata ang sakit at pagkagulat sa mga mata niya. My body tensed when I saw him pull out a gun. Now, this is bad. Ibinalik ko sa case ang sniper rifle at may hinila roon para maisukbit ko ito sa balikat ko. Hinawakan ko ang dalawang hoop doon gamit ang isang kamay ko at kinuha ko ang baril sa holster sa binti ko. Walang pag-aalinlangan na tumalon ako. Nakita ko ang pagsipa ni Maries sa lalaki dahilan para tumalsik ang baril sa kung saan ngunit nahawakan siya ng lalaki sa binti niya. Itinutok ko ang baril sa glass wall ni Maries at pinaulanan iyon ng bala sa parte kung saan hindi sila matatamaan. I'm using my 'Strike Gun'. PJ made this specifically for me. Kahit bullet proof or metal ay kayang-kaya nitong pasukin. A loud noise echoed when I crashed into the glass wall. Hindi na ako nagsayang ng sandali at tumayo ako. I put my forefinger and thumb in my mouth at sumipol ako. Napatingin sakin yung lalaki na nakakapagtakang hindi narinig ang grand entrance ko dahil wala na atang laman ang natutuyo niyang utak kundi si Maries. "Sino ka?" I rolled my eyes at his question. "Your worst nightmare." Dinaluhong ko siya at kinaladkad palayo kay Maries. Tumingin ako kay Maries na nag-aalalang nakatingin sa akin at sa lalaking kasalukuyang sinusubukan na alisin ako sa prenteng pagkakaupo ko sa kaniya. "Umuwi ka na, Maries. Ako na ang bahala." “O-Okay. Thank you, Mi-Thank you." Nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya tinuloy ang pagbanggit sa pangalan ko. She knew us too well. She's perfect for my brother but he chose to let her go. I love him but he's just so stupid. Nilingon ko ang lalake na nasa ilalim ko na inaabot ang baril nyang tumalsik kanina. Kinuha ko yon. Napatingin sya sakin na halatang natakot. Ngumiti ako at inabot ang baril sa kaniya. Gumalaw ang kamay niya para kunin iyon pero nakangiting itinutok ko lang sa kaniya yon dahilan para manigas siya sa kinahihigaan niya. "Don't be stupid and just follow me." Tumayo na ako at hinila ko siya. Nagpapasag siya at lumipad ang kamao niya papunta sakin. Simpleng iniwasan ko lang iyon at hinawakan ko siya sa kwelyo. Itinulak ko siya at iminuwestra kong tumingin siya sa likod niya. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makita kong bumadha ang pagkahindik sa mga mata niya nang makita kung gaano kataas ang kinaroroonan namin. "Ihuhulog kita diyan kapag hindi ka tumigil." Mukhang nalunok niya ang dila niya. Now, that's better. May pinindot ako sa 101 Cord at automatic na kumalas ang nakakabit sa kabilang building na pinanggalingan ko. Kinuha ko iyon at ipinalibot sa bewang ko. Tumingin ako sa baba at mabilis na kinalkula ko kung gaano kami kataas at pagkatapos ay may pinindot akong mga numero na nasa kabilang bahagi ng 101 Cord. May kinuha akong isa pang cord sa backpack ko at itinali ko iyon sa lalake at pagkatapos ay sa bewang ko. Hindi naman pwedeng kaladkarin ko siya pababa mula sa pinto ng office ni Maries dahil may makakakita panigurado. "You might be in some kind of trouble later, Strike. I just found out kung saan galing ang asawa mo." "Saan?" "You'll know later." Napapalatak ako. Hindi pa sabihin ng diretso ng wala ng surprise. I hate surprises. Tumingin ako don sa stalker na halata ang takot sa gagawin ko. I smiled sweetly at him at bigla na lang akong tumalon. Syempre kasama din siya. Nagpapasag siya at sumigaw kahit na wala namang lumalabas na boses sa mga labi niya. Priceless ang itsura niya. May nahagip ang paningin ko. Oh, God. Si Dale. May kausap siya na lalaki. Don't look here, don't look, don't look.  He didn't. Nakahinga ako ng maluwag nang makalagpas na kami. I can't imagine what will happen if he saw his 'wife' dangling outside a tall building. "Nasa baba na si agent Book.....and Mishy?" tanong ni PJ. "Hmm?" "Nandiyan din ang kuya mo." Napasinghap ako. Patay. My landing made a low thud. Tinignan ko ang lalaking stalker. Kaya naman pala ang bigat, wala nang malay. Hinanap ng mga mata ko sila Katerina. Napangiti ako nang makita kong nakapark sila sa isang gilid. Kinalas ko na ang 101 Cord sa bewang ko at ang isa pang tali, pagkatapos non ay may pulang button akong pinindot at automatic na kumalas ang isang parte ng 101 Cord sa taas at bumaba sa hawak ko. Lumapit ako kaila kuya. Inilabas ni Katerina ang mga 'binili' namin kuno. Kinuha ko iyon at inabot ko sa kaniya ang backpack at rifle case. Hindi ko pwedeng iuwi iyon. Inabot ko kay Kuya ang stalker ni Maries. "You saw her?" masuyong tanong ko sa kaniya. "Yes." Masama ang tingin na ibinibigay niya sa lalaking hawak niya na ngayon. Pinabuksan niya kay Katerina ang compartment at walang sabi-sabing inilagay niya doon ang walang malay na lalaki. "I need to go." tumingin ako kay Katerina at ngumiti. "Thanks sa mga to. Bumili ka din ba ng sa iyo?" "Yup. Sabi ni Asyong PJ eh. Hindi pa naman ako tumatanggi sa libre." Natawa ako. Nakakapagtakang best friend din ang turingan nila samantalang lagi naman silang nag-aaway. Parang aso't-pusa. Tinanggal ko ang LD at ang mic. Inabot ko iyon kay Katerina. Hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga pinamili niya para sakin. Ang dami naman nito. Ano namang gagawin ko dito? Hindi naman sa hindi ako mahilig mag-ayos, hindi lang talaga ako mahilig gumastos sa mga damit. Sa mga gadgets pwede pa. "Ang generous ng husband mo. Ibigay mo na lang kaya sakin?" I glared at her na ikinatawa niya lang. Inabot niya sa akin ang credit card ni Dale na paniguradong umuusok na ngayon. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa kotse ko. Nang nasa loob na ako ay hinintay ko muna na makalabas si Dale. Pauunahin ko muna siya para isipin niya na nag-enjoy talaga ako sa pag sho-shopping. Nakita ko siyang lumabas at nakahinga ako ng maluwag. Kumunot ang noo ko nang makitang iba na ang kasama niya ngayon at hindi na iyong kanina kundi isang babae. Freaking playboy. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis sa nakikita ko. Wala naman silang ginagawang masama pero naiinis parin ako. Pinaandar ko na ang sasakyan nang sigurado akong nakalayo na si Dale. Pagdating ko sa bahay ay siya ang unang-unang nakita ko. Kahit na hindi ko alam ang dahilan ng pagka-inis ko sa kaniya, nawala agad yon nang makita ko ang mga ngiti niya. What the hell is happening to me? Magkakasakit ba ako? Pilit na ngumiti ako sa kaniya habang kinakastigo ko parin ang sarili ko. Come on, strike. Hold your ground. "Baby, guess what?" Parang gusto kong kabahan sa pagkakangiti niya. Something was up and I know I'm not gonna like it. Ngumiti ako sa kaniya at pilit itinago ang kabang nararamdaman ko. May mali, I can feel it. "I asked my friend, a Doctor by the way, for a second opinion. Pinuntahan ko kasi ang kaibigan ko na si Matt then I saw Mylene, my female doctor friend. She said that it won't be a problem if we want to do 'it'." Oh, hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD