Chapter 19

1730 Words
CHAPTER 19 I sighed. Apat na araw na ako rito ngunit hindi ko parin magawang makaalis dahil kinakailangan ako nila Boss para pagplanuhan kung paano namin dadakipin ang traydor sa group. It's not like pwede namin siyang intayin gumawa ng hakbang hanggang sa makakuha kami ng impormasyon. It's too risky and we cannot let that person stay here for too long . Hanggat pinapatagal namin siya dito sa BHO ay mas lalong nalalagay sa panganib ang mga buhay namin. Nilibot ko ang paningin ko sa office ni Boss kung saan nandito kami nila Kuya, PJ at Kat tumatambay. Napabuntong-hininga ako at tumayo. Halata sa ekspresyon ng mga mukha nila na hindi parin sila nakakaisip ng plano. They are all just delaying the inevitable. O marahil dahil sa hindi parin nila matanggap na ang taong iyon ang siyang nagtraydor sa grupo. Zenisha. "I had enough. Kausapin na natin si Zenisha." deklara ko sa kanila. "Mishy-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Boss at nakapamewang na tinaasan ko siya ng kilay. Kung ibang mga agents ang makakakita sakin ngayon ay siguradong ipagdadasal na ang kaluluwa ko. I mean, boss parin namin ang kausap ko. "Masyado lang kasi kayong mababait kaya hindi niyo magawa ang isang paraan na mas mabilis nating mapapaamin si Zenisha." sabi ko sa kanila at pagkatapos ay lumapit ako sa table ni boss. May pinindot ako doon. "Agents, this is Agent Strike speaking. Please kindly bring Zenisha Cruz in the interrogation room. Lock her up and don't let her escape." Napanganga lahat ng kasama ko sa office ni Boss ng matapos ako sa pagsasalita sa intercom na siguradong rinig sa buong BHO. "Mishy!" bulalas ni Boss. "What?" "Hindi pa ako sumasang-ayon sa idea mo." "No choice ka na, boss. You know too well na hindi maganda ang mag-intay lalo na sa case natin ngayon." Hindi ko na inintay ang sagot nila at lumabas na ako ng office. Dumiretso ako papunta sa Interrogation Room. Napangiti ako ng maramdaman kong sumusunod sila sa akin. Naabutan kong maraming nakabantay sa labas ng Interrogation Room na halatang nagtataka sa pinagawa ko. Wala pa kasing agent ang pumasok ng Interrogation Room na siya mismo ang tatanungin. Dumiretso ako sa isa pang pintuan sa loob kung saan glass wall na lang ang pagitan mula sa labas. Natagpuan ko si Zenisha na kalmadong nakaupo sa isa sa dalawang upuan na naroon. But I can see pass through her calm facade. She's gripping tightly for control but I'll make sure she'll lose it. "Mishy? Anong nangyayari?" Tumingin ako sa glass wall. Alam kong nandoon sila Boss at nakikinig samin ni Zenisha. Hindi ko sila nakikita but I know they'll be recording our conversation. "Hindi mo ba alam?" tanong ko sa kaniya habang kinukuha ko ang isang case sa isang tabi ng room. Nararamdaman kong nakasunod ang tingin niya sa akin. "No, my dear." Her voice is so sweet and innocent. What a great pretender. She almost have us and I won't let that happen again. "Really? So, hindi mo alam na member ka ng BEND?" Bumadha sa mukha niya ang matinding pagkagulat. Her lips quivered and her hands started to shake. Pero mabilis na binawi niya ang composure niya. Too late for that because I saw everything. "W-What?" "Come on, Zenisha. Hindi mo na kailangang magkunwari." Nakatitig ako sa mukha niya at nakita ko ang biglang pagbabago sa ekspresyon niya. Her face contorted with anger. Walang mag-aakala na siya ang Zenisha na gustong-gusto ng lahat kapag nakita siya ngayon. "Pakawalan mo ako." "Or what?" nang-uuyam na tanong ko sa kaniya. "Malaking organisasyon ang BEND. Much better than this cheap and small organization. Sa tingin mo ba kaya niyo silang talunin?" I composed myself. Hindi ko alam ang magagawa ko sa kaniya kapag hindi ko kinalma ang sarili ko. Umupo ako sa tapat niya at ibinaba ko ang case sa harapan niya na alam kong hindi niya pa alam kung ano ang laman. Hindi pa naman siya ganoong katagal dito sa BHO. "You think you know everything, Zenisha? You're not an Elite, remember that." Natahimik siya. May inilabas ako bakal sa loob ng case at isinuot ko yon sa kanan kong kamay. Sinusundan niya lang ng tingin ang ginagawa ko. "Sabihin mo sakin lahat ng alam mo." utos ko sa kaniya. Mahinang tumawa lang siya. "Kahit patayin mo pa ako, wala akong aaminin sayo." "That's cliche. This is not a movie, Zenisha. If you ask me to kill you I will certainly do so, especially if I find that you're of no use to me." "Kill me then." Ngumiti ako sa kaniya ng matamis. "Be careful of what you wish for, dear." Idiniin ko ang pagkakasabi ko ng endearment na ginamit niya sa akin kanina. Tumayo ako at walang babala na pinatama ko sa kaniya ang kamay ko. Napasigaw siya ng maramdaman niya ang impact ng suntok ko pati na ng bakal na inilagay ko sa kanan kong kamay. "Sabi mo kahit na patayin pa kita. Wag kang mag-alala. Pagbibigyan kita." "You can't! You're bluffing." Nakangiting yumuko ako hanggang sa malapit na ang mukha ko sa tenga niya. Pinigilan ko siyang makalayo ng akmang tatayo siya. "Something you should know about me..." bulong ko sa kaniya. "I never lie." Lumayo ako sa kaniya at nagpakawala pa ako ulit isang suntok. Hindi ko kailangan makita sila Boss para ma-imagine kung anong itsura nila ngayon. Siguradong napapangiwi na sila sa ginagawa ko. "Talk." mariin na sabi ko kay Zenisha. "H-Hindi ko alam na magiging miyembro ako ng BEND. Ipinasok ako dito ni Charles Brandon, boyfriend ko. Alam niyang marunong ako ng iba't-ibang martial arts at marunong akong humawak ng baril kaya pumayag ako. Naghahanap din kasi ako noon ng trabaho. N-Nang makapasok ako dito, may pinapirmahan si Charles na katibayan pala na miyembro na ako ng BEND. Kaya nakalusot ako sa background check." Alam kong ginagamit na nila Boss ang 'Voice' a device used for detecting lies and for recording voices that we can use if we need it. "My, my, naughty Charles. Hindi mo ba alam na girlfriend niya si Marga Smith?" "Hindi yan totoo-" "I don't have time for your drama. Continue talking." Humikbi siya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang naghihintay ng paliwanag niya. Hindi ako naaawa sa kaniya. Dahil sa mga taong katulad niya maraming tao ang namatay, including my parents. "May symbol ang BEND. N-Nasa batok iyon ng bawat miyembro." nauutal na sagot niya "We need more. Ano ang mga activities nila? San sila nagtatago?" "Wala akong alam!" Napahilot ako sa sentido ko. Walang balak ang babaeng to na padaliin ang trabaho ko. Kinuha ko ang baril na nasa case at itinutok ko iyon sa kaniya. Ikinasa ko iyon. Nakatitig sa baril si Zenisha na animo hindi naniniwala na magagawa kong kalabitin ang gatilyo. Nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya ng makita niya ang walang emosyon kong mukha "You're not my friend, Zenisha and you're definitely not close to me. Killing you is like wiping dirt away from my face. Annoying, but not enough to keep me up at night." Halata ang takot sa mukha niya. She should be scared, because I don't have the patience to play with her right now. Fear is a good incentive. "Sa Palawan. May isang lugar doon na mayroong kuweba kung saan inayos nila para maging taguan nila. Puro baril, granada, drugs at kung ano-ano pa ang laman ng mga transactions nila. W-Wala na akong alam na iba, maniwala ka sa akin." Hindi ako sumagot at inilagay ko na iyong baril sa loob ng case. Naabutan ko sa labas sila Boss na namumutlang nakatingin sakin. I rolled my eyes at them. Porke ba babae ako hindi ko na kayang mang torture? You can't even call it torture, yet. Hinarap ko ang isa sa junior agents na namutla ng tinignan ko. "You. Dalin mo si Zenisha kay Aget Med at pagkatapos ay ikulong niyo siya sa infinity room. Kapag nalaman kong pinakawalan niyo siya kayo ang papalit sa kaniya." Infinity Room is a room here in BHO kung saan walang kahit na anong way para makatakas ang ikinukulong doon. Walang bintana at tanging control lang ang maaaring makapagbukas noon. Puno din iyon ng mga camera. "Yes, Agent Strike." Pumasok na sila sa loob at kinuha si Zenisha na hindi na magawang magprotesta. Inabot sakin ng agent na may hawak sa kaniya ang nakuhang phone sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin ko kaila Boss na namumutla parin. "Hell, nakakatakot ka." exaggerated na nanginig pa si PJ na animo kakilabot-kilabot ako. "Ewan ko sayo." Lumapit ako sa isang maliit na device sa isang bahagi ng Interrogation Room at kinonekta ko iyon sa phone ni Zenisha. Isa pa ito sa kayang gawin ng 'Voice'. Besides detecting lies it can also record voices and convert it hanggang sa maging ganoon narin ang boses ng kung sino man ang gumagamit non. May kung ilang keys na pinindot ako doon bago ko hinanap sa cellphone ni Zenisha ang contact number ni Charles. Hinintay kong sumagot ang nasa kabilang linya ng marinig kong nag ring iyon. Siguro naman ay sasagutin agad iyon ni Charles. "What is it, love?" Wala man lang 'hi' o 'hello'. I don't know why Zenisha put up with that kind of attitude. I rolled my eyes at the endearment. "Wala naman, love. Namimiss lang kita." I made a gagging gesture na ikinatawa nila PJ ng mahina. "I know. Konting tiis na lang, nami-miss narin kita." As if. Kung hindi ko pa alam ay lagi niya lang kasama si Marga Smith. Men like this are just scum of the earth. Ang dapat sa kanila pinapadala sa Mars o mas malayo pa don. "Nabobored ako. Kailan ba ang next transaction?" tanong ko kay Charles. "Next tuesday. Hindi ka pwedeng sumama, alam mo yan. Baka makahalata ang BHO. Hindi ka muna pwedeng pumunta ng Palawan." Umakto ako na bumuntong-hininga. "Okay, I'll wait." May narinig akong boses ng babae sa kabilang linya at napangisi ako. Pasalamat siya hindi si Zenisha talaga ang kausap niya kung hindi ay baka pumalpak lahat ng plano nila. Never underestimate the power of an angry woman. "Sino yon?" nilangkapan ko ng selos ang boses ko. "H-Ha? Wala. Tatawagan na lang kita mamaya." Napatingin ako sa phone ng biglang nawala sa linya si Charles. Nagkibit-balikat ako. Nginitian ko sila Boss at inihagis ko sa kanila ang phone ni Zenisha. Sinalo naman iyon ni PJ na napapailing na lang. "So, meron tayong lakad sa tuesday?" nakangiting tanong ko sa kanila. "Kami meron. Ikaw wala." pigil ang ngiting sagot ni Boss. Nanglaki ang mga mata ko. "What? Pero-" "Go home, mishy. Kailangan mong bantayan si Dale kaya kailangan mo ng umuwi. Kami na ang bahala tungkol sa mga transaction ng BEND." Matalim na tinignan ko sila na ikinatawa lang nila. Tinalikuran ko sila at naglakad na ako paalis. Pagkatapos ng mga ginawa ko, hindi ako kasali? Padabog na isinarado ko ang pinto at narinig ko pa ang mga tawanan sa loob. I can't believe this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD