CLARA'S POV
"Hoy! Clara! Ready ka na?" sigaw ni Maria mula sa kabilang aisle, hawak na ang bag niya.
"Sandali lang!" sagot ko habang sinasara ang laptop ko.
It's friday today kaya gaya ng napag usapan namin ay after work, mag babar kami.
"Friday night lang 'to, Clara," paulit-ulit kong sinabi sa sarili habang nasa desk ko pa ako, naka upo.
"Baka ito talaga ang kailangan mo ngayon. Baka need mong mag unwind muna para makapag isip ng maayos.." kumbinsi ko sa sarili.
Buti nga at may mga kaibigan ako dito sa trabaho na handa akong samahan eh.
Bandang alas singko ng hapon, sabay sabay kaming nag ligpit ng mga gamit. Mas maingay kaysa usual ang opisina. May mga nagtatawanan, may nagbibiro, may nagmamadaling umalis.
Kailangan ko talagang libangin ang sarili para hindi puro si Ethan ang pumapasok sa utak ko.
Speaking of him..
Hindi ko siya nakita buong araw.
Walang kape.
Walang note.
Walang message.
At imbes na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo akong naging balisa. Parang hinihintay ko siyang gumawa ng susunod na hakbang.
Natatakot ako dahil nagugustuhan ko ang thrill na dulot niyon.
"Uy, anong iniisip mo?" tanong ni Aliza nang makalapit siya sa akin. "Kanina ka pa lutang ah."
"Wala naman," mabilis kong sagot. "Pagod lang."
Hindi siya kumbinsido pero hindi na rin nagtanong. Ipinagpasalamat ko iyon.
Lumabas kami ng building na magkakasama. Mainit pa rin ang hangin kahit palubog na ang araw. Traffic at maingay ang paligid.
Normal na Biyernes ng gabi.
Sa bar na pinuntahan namin, maingay agad ang paligid.Hapon pa lang pero medyo marami na ang customers, siguro kasi biyernes na.. Sumalubong sa amin ang ilaw na palipat lipat ng kulay. Musika na halos ramdam mo sa dibdib. Amoy ng alak, pabango, at pawis na naghahalo halo.
Umorder agad sina Maria at Aliza ng drinks. Si Apple, gaya ng pangako niya, soft drinks lang.
Ako?
Umorder ako ng beer.
Isa lang.
"Uy, sure ka?" tanong ni Aliza, bahagyang nagtaas ng kilay. "Kala ko hindi ka iinom eh?" natatawa niyang dagdag.
"Isa lang," sagot ko. "Pang-relax."
Hindi ko alam kung kanino ako nagsisinungaling.
Sa kanila, o sa sarili ko.
Umupo kami sa isang high table malapit sa dance floor. Kita ang halos buong bar. Medyo dumarami na ang tao habang papalalim ang gabi.
Nakisabay ako sa kwentuhan nila, tawanan, kulitan at nakinig sa mga reklamo nila sa buhay. Nang maubos ang iniinom kong isang bote ay nagdagdag kami. Beer na rin ang iniinom nila Aliza at Maria, gumaya sa iniinom ko.
Nangangalahati pa lang ang pangalawang bote ng beer ko ay may kakaiba akong naramdaman.
Parang... may nakatingin.
Hindi ko agad pinansin. Pinilit kong makisabay ulit sa kwentuhan nila. Pero bawat ilang segundo ay napapalingon ako. At sa bawat paglingon ko, wala naman akong nakikita.
"Clara, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Apple, mas seryoso ang boses kaysa kanina.
Tumango ako. "Oo. Promise."
Pero kasinungalingan iyon.
Dahil ramdam ko na may mali. Hindi na ako komportable sa upuan ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ko siya nakita.
Una ay ang boses niya.
Pamilyar. Masyadong pamilyar.
"Clara?"
Nanlamig ang buong katawan ko.
Dahan dahan akong lumingon. At doon siya nakatayo.
Marco.
Mas matangkad pa rin. Mas payat ng konti. Pareho pa rin ang ngiti.. iyong ngiting minsan ay minahal ko, minsan ay kinapitan ko kahit masakit na.
"Marco," mahina kong sabi, halos walang lumabas na boses.
Ngumiti siya, parang walang nangyari. Parang hindi niya ako iniwan na parang walang halaga. Parang hindi niya ako sinira pira-piraso.
"Miss na miss kita," sabi niya agad, parang iyon lang ang pinakamahalagang bagay sa mundo.
Tumayo si Maria agad. "Uh, Marco-"
"Maria," mabilis kong singit. Sinenyasan ko siya na ayoslang. Ayokong lumaki ang eksena.
"Okay lang. Uhh, excuse us." paalam ko sa kanila.
Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Halata ang pag-aalala sa mga mata nila.
"Sure ka?" tanong ni Aliza.
Tumango ako. "Oo."
Ayokong magmukhang mahina.
Ayokong ipakita na apektado pa rin ako.
Lumayo kami ni Marco ng konti, sa gilid ng bar kung saan mas tahimik. Medyo madilim sa pwesto namin.
"So," sabi niya, tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ang ganda mo pa rin."
"Salamat," sagot ko ng walang emosyon. "Anong kailangan mo?"
Napangiti siya ng pilit. "Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng makita lang kita?"
"After everything?" tanong ko, tuluyan nang tumigas ang boses ko. "Ano bang ine-expect mo?"
Huminga siya nang malalim. "Nagkamali ako."
Napangiti ako, pero mapait. "Lahat ng lalaki, yan ang linya."
"I mean it," giit niya. "Natatakot lang ako noon. Hindi ako ready. Pero ngayon—"
"Marco," putol ko. "Huwag na."
Lumapit siya ng isang hakbang. "Please, Clara. Bigyan mo ako ng chance."
Umatras ako. "Hindi."
At doon ko nakita ang pagbabago sa mukha niya.
Hindi galit agad.
Inis muna.
"Bakit?" tanong niya, bahagyang tumataas ang boses. "May iba ka na ba?"
Nanikip ang dibdib ko.
"Wala kang karapatan magtanong," sagot ko. "Tapos na tayo. Ikaw ang tumapos, hindi ba?"
Hinawakan niya ang braso ko.
Mahigpit.
"Marco, bitawan mo ako," sabi ko, nanginginig na ang boses ko.
"Hindi," sagot niya. "Makinig ka muna."
Sinubukan kong kumawala pero mas humigpit ang hawak niya. Ramdam ko ang mga tingin ng ibang tao pero walang lumalapit. Walang gustong makialam.
Nagsimulang bumalik ang takot sa dibdib ko. s**t.
Yung pakiramdam na wala kang kontrol.
"Marco, masakit," sabi ko. "Please."
"Kung sumama ka lang sa akin—"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya.
Dahil biglang may humila sa kanya palayo sa akin.
"Get your f*****g hands off her."
Nanlaki ang mga mata ko.
Si Ethan.
Nakatayo siya sa pagitan namin. Malamig ang tingin. Matigas ang panga. Parang ibang tao.
"Who the hell are you?" singhal ni Marco.
"Someone who won't ask twice," sagot ni Ethan. "Lumayo ka."
"Boyfriend ka ba?" mapanuyang tanong ni Marco. "Kasi kung hindi—"
Isang suntok ang nagpatigil sa pagsasalita ni Marco.
Diretso iyon sa kaniyang mukha .
Napaatras siya at natumba sa isang mesa. Nagkagulo agad ang paligid. May sumigaw at may mga baso na nabasag.
"ETHAN!" sigaw ko rin.
Pero parang wala na siyang naririnig.
Tumayo si Marco at sinugod siya pabalik. Nagsuntukan sila. Napatakip ako sa bibig at nanlaki ang mga mata nang masuntok ni Marco si Ethan. Nagsilapitan ang mga kaibigan ko sa pwesto namin.
Hinawakan ni Aliza ang kamay ko habang agad akong chineck ni apple kung ayos lang ba ako. Nagtanong sila sa akin pero hindi ako makasagot dahil nasa dalawang lalaki ang atensiyon ko.
Gaganti na dapat si Ethan pero hinawakan ko ang braso niya.
"Tama na! Please!"
Pero mas galit siya ngayon. His eyes are bloodshot.
"Wala kang karapatan hawakan siya," madiing sambit ni Ethan kay Marco.
"Wala ka nang karapatan kahit banggitin ang pangalan niya."
Isang huling suntok ang dumapo sa mukha ni Marco.Bumagsak ito sa sahig ay napahawak sa kaniyang panga.
May mga guard na lumapit. Tinulungan nilang makatayo si Marco habang hinila ako ni Ethan palayo.
"Come on," sabi niya, mahigpit ang hawak sa kamay ko, pero hindi iyon masakit.
"We're leaving."
Hindi na ako tumutol. Napatingin na lang ako sa mga kasama ko, tinanguan naman nila ako kahit alam kong curious sila kung sino si Ethan.
Pagkalabas sa bar ay sinalubong kami ng malamig na hangin. Habol ko ang hininga ko at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.
Hindi ko alam kung dahil sa takot.
O dahil sa kanya.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Ethan, ang boses niya ay mas mababa na ngayon. Mas maingat.
Tumango ako, kahit hindi totoo. "Salamat."
Tumahimik siya sandali. Tinitigan ako.
"Hindi ka na dapat hinahawakan ng ganon," sabi niya. "Kahit kailan."
May kung anong bumigay sa loob ko.
"Paano mo nalaman na nandoon ako?" mahina kong tanong.
Hindi siya agad sumagot. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
"Sinusundan mo ba ako, Ethan?"