Kabanata 25 PABALING-BALING ang mga tingin ko kay Rexter hanggang sa tuluyan nang matapos ang first day ng medical mission namin. Hindi ako makatawag kay Brix upang mangamusta gayong walang signal dito sa taas ng bundok sa Guillermo. Kalkulado ang galawa ni Rexter. Tila ba pinipigilan niyang mapalingon sa akin, pero natetempt siya. Alam kong alam niya kung bakit ako nakatingin sa kaniya. Nawala na ang mga bulungan ng ibang mga volunteer nurse, pero alam kong may laman ang bawat tingin nila sa akin-na nagpapadagdag sa bad ko na ngang mood. Kinuha ko ang first aid kit sa mesa kung nasaan siya ng nag-aayos nang kagamitan pero akma na agad siyang aalis, dahilan para iamba ko sa kaniya ang syringe na nakita ko sa box, na agad kong nabuksan ang lid. "Walk away and I will not hesitate to sta

