CHAPTER 86 Naghubad siya ng damit, tanging boxer short na lang ang suot niya. Matikas ang kanyang masukuladong katawan. Inosente ang gwapong mukha ngunit hindi ang kanyang lalaking-lalaki na tindig at tigas ng kanyang abs at malalaking biceps at triceps. Naupo siya sa gilid ng kama. Sinikap niyang huwag umiyak ngunit kusang tumulo ang mga luha dahil punum-puno na din ng sakit ang kaniyang dibdib. Ngunit sa kanilang lima nina Airish, Justine, Bobby at Janna, siya ang pinakawalang karapatang magsalita, magreklamo o maghayag ng kaniyang niloloob. Para siyang pipi at bingi. Bulag at walang pakiramdam ngunit kahit gano'n, sinikap niyang huwag na lang makigulo. Napakahirap. Sobrang hirap ng kanyang pinagdadaanan araw-araw. Sino ba siya para tapunan ng kahit katiting na pansin? Sino ba siya para

