CHAPTER 61 Napakamot si Justine. Kitang-kita niya ang pagtalikod sa kaniya ni Airish at ang paghabol niya kay Bobby. Para bang sa mga sandaling iyon ay ramdam niya yung sakit na siya ang iniwan nito. Siya yung hindi pinili. Bigo siyang tumalikod at naglakad patungo sa tabi ng dagat. Naiwan si Ralph at pinagmasdan niya ang pinsan. Nakaramdam siya ng awa. Gusto niyang damayan ngunit kailangan niyang umalis para gawin ang trabaho. Bago siya naglakad para habulin ang boss nila ay muli niyang tinapunan ng huling sulyap si Justine. Naapektuhan na ang pagiging PSG nila dahil sa nahaluan ng emosyon ang sana ay proposeyonal nilang pagtatanggol sa buhay ng President’s Princess. Pasalampak na umupo si Justine sa dalampasigan. Pilit niyang pinatatag ang sarili. Hindi niya maintindihan kung tama p

