CHAPTER 54 Mabilis na nagrehistro sa isip ni Justine na iyon na nga ang engagement ring. Kinakabahan na si Justine. Ito na nga talaga ito! Namimilog ang mga mata ni Dave. Sa wakas, mukhang magbubunga na ang matagal na nilang plano ng Daddy niya. Isang malaking step up ito sa pangarap niyang posisyon sa pulitika. "Dave, i think it's time for us to..." "It's time for us to break-up!" Malinaw ang sinabing iyon ni Airish. Nanlaki ang mga mata ni Dave. Ngunit hindi na narinig ni Justine pa iyon, hinila niya kasi agad si Justine mula sa pagkakaupo nito kaya nagulat din si Airish sa mabilis na ginawang iyon ni Justine. Iniharang ni Justine ang katawan niya kay Airish. "Anong ginagawa mo!" bulong ni Airish. "May nakita akong pulang laser na tumama sa mismong dibdib mo. Kailangan na na

