CHAPTER 63 Sa di kalayuan, kitang-kita ni Bobby ang lahat. Masakit para sa kaniyang masaksihan ang lahat ng iyon. Wala siyang magawa kundi ang iluha ang kabiguan. Masama ang loob niya sa dalawa. Ginawa siyang tanga. Ginamit lang siya ni Airish para ilabas ang totoong narararamdaman sa kaniya ni Justine at nang nakuha ni Airish ang gusto ay bigla na lang siya nitong kinalimutan. Pinunasan niya ang kaniyang luha. Inayos niya ang hawak niya at inilagay niya iyon sa kaniyang backpack. Magagamit pa niya iyon sa mga susunod na araw. Ito na lang ang natitirang paraan para makaganti din siya. Hindi muna siya aalis. Hindi pa tapos ang laban. Alam niyang pagdating ng panahon, susundan siya ni Airish. Siya ang lalapit sa kaniya at sisiguraduhin niya iyon bago siya tuluyang babalik sa ibang bansa.

