FRANCHESKA POV “CHESKA, bakit pawisan ka?” takang tanong ni Rosy nang makalapit ako sa kanya. Tinignan ko siya at naupo sa tabi niya. “Tumakbo ako.” Hinihingal kong sagot sa kanya. Nangunot ang noo niya sa aking sinabi. “Tumakbo? Bakit ka naman tumakbo? Nagpapapayat ka ba?” “Nagpapapayat ako pero hindi ako tatakbo sa campus, Rosy. Nakita kasi ako nina kuya Chase and kuya Louie tapos nagparinig ako nang makita ko si Analyn, hindi naka—imik ang gagang iyon. Paano siya iimik ay tinalo ko siya pagdating sa mahal ng debut ko, gown pa lang tapos na ang usapan.” Nakita kong tumawa si Rosy. “Hindi rin iimik ang isang iyon... Kasama mo pala ang mga pinsan mo. Kumusta ka naman, Cheska? Nagamit mo na iyong car mo?” tanong niya sa akin. “Yes it is! Nagamit ko na today! Gusto mo bang mag—road tr

