FRANCHESKA POV MABILIS lumipas ang araw nang makita ko sa calendar na bukas ay debut ko na. “Debut ko na talaga bukas!” Hindi ako makapaniwala dahil pagkatapos ng ilang araw na paghihintay kong birthday ay darating na rin. “Cheska, iha? Gising ka na ba?” Narinig ko ang boses ni mom kaya mabilis akong lumakad para pagbuksan siya ng pinto. “Good morning po, mommy! Kanina pa po ako gising. Nakakain na rin po ako ng breakfast ko. Bakit po?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiti ni mommy. “Ganoʼn ba? Hindi ko kasi namalayan ang oras sa greenhouse. Halika sa ibaba, ipapakita ko sa iyo ʼyong mga tulips, napaka—ganda ng tubo para sa debut mo bukas,” malumanay na sabi ni mom sa akin. “Talaga po, mom? Sige po, tara po!” sabay na kaming bumaba sa living room namin. Lumakad kami papunta

