NINONG XERON POV HAWAK ko ang shot glass habang napapalibutan ako ng mga pinsan and kamag—anak ni Fran. Alam kong may binabalak ang inaanak ko ngayong araw. Hinihintay ko lang kung ano man ang kanyang binabalak. “Xeron, shot! Hindi pʼwedeng hindi ka iinom!” Napunta sa akin ang tingin ni Louie, ang pinsan ni Fran na sakit sa ulo ng Lazaro. Alam kong kasabwat din silang lahat ng kanilang pinsan. Tumango ako sa kanyang sinabi at ininom itong laman ng hawak kong shot glass. “Iyon!” malakas niyang sabi at nagsigawan silang lahat. Alam kong balak nila akong lasingin. Hindi ba nila alam na mataas ang alcohol tolerance ko? Hindi agad ako malalasing na basta—basta lamang. Nagkakasiyahan ang lahat pero ang tingin ko ay na kay Fran. Nakita kong kasama niya ang kanyang mga pinsan at nag—

