FRANCHESKA POV “MISS FRANCHESKA?” Napatingin ako sa labas ng door ko nang marinig ang boses ni ate Pola. Nakahanda na ako ngayon para sundan sina dad and kuya Harold sa pag—uwi nila mamaya. Doon ko sila balak sundan para malaman kung saan ba sila pupunta after ng work hours nila. Naka—all black ako ngayon, heto na rin ang suot ko mamaya. “Ano po iyon, ate Pola?” tanong ko sa kanyang nang buksan ko ang pinto. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. “Miss Francheska, may dumating po na lalaki, Aaron po ang pangalan. Hinahanap po kayo at nagpakilala siyang secretary ni Mr. Ford,” sabi sa akin ni ate Pola. “Aaron?” Napaisip ako at saka ko naalala ang pangalan na iyon. “Ah! Secretary nga iyon ni Ninong Xeron, ate Pola. May dala ba siya?” tanong ko sa kanya. Sinarado ko ang pinto nang l

