VM 11- He Is Being Sweet Again. (Christie POV) Nakiramdam lang ako sakanila kung anong gagawin nila. Halatang halata na ang pakay nina Rei at mga kasamahan niya ay si Kaycee. Tahimik lang na nagtitigan at napakiramdaman din sila. Rinig ko ang t***k ng puso ko dahil sa di maipaliwanag na kaba. Nagulat ako nung lumapit ang isang lalaki pa na kasama ni Rei kay Kaycee. "Back off!" Diin ni Xian harang ang sarili kay Kaycee. Nagkatinginan si Xian at ang lalaki. "Dale, tara na babalik na lang tayo." Ani isa pang babaeng kasamahan ni Rei hila ang lalaking kaharap ni Xian. Napatingin ako Lhiam at Rei. Umatras na ang grupo nina Rei kaya nakahinga ako nang malalim at maluwag. "Xian, I need a word with you!" Ani Lhiam kay Xian at naglakad na palabas ng silid papunta sa kung saan. Arghhh, a

