VM 8-TRUST (Skyzer POV) Nasa gitna na kami ng madilim na gubat. Papunta sa Vamp Bats Cave. Di ko alam kong bakit sumama pa ako dito? Problema to nina Christie eh,tapos nakikisali si Lhiam. Tapos nakisali si Yslea kaya di ko naman siya hahayaang mapahamak kaya sumama na rin ako. Tsk, napailing na lang ako at hinawakan ng mahigpit ang dala kong arrow. "Malayo pa ba tayo Y?" Tanung ko sa kasintahan kong si Yslea. "Malapit na tayo, naamoy ko na ang mga halaman." Aniya pasinghot singhot. Saaming lahat si Yslea ang merong napakasensitibong pangamoy, kaya niyang hanapin ang isang bagay sa malayo gamit lamang ang pangamoy niya. "Been hours wandering inside this forest. I'll make a call now." Ani Xian, ang slayer na kasama namin. Ang kapatid ni Irish na may dala kay Kaycee. Matagal ko nang k

