VM 35- Caught. (Xian POV) Nagulat ako nung naagaw ni Luffer ang silver arrow na hawak ko at dikit niya ako sa pader! Nung akmang saksakin niya na ako, napatigil ito nung may liwanag na kulay whiteblue bigla na lang tumama sakanya kaya siya tumalsik. Nakapatingin ako kay Luffer sa malayo at umuusok ito. Dahil siguro sa liwanag na tumama sakanya. Nilingon ko si Kaycee at nagiilaw siya at may kulay whiteblue na liwanag ang lumalabas sa mga mata niya. Whiteblue, tama ako, mas angat ang malinis na dugo niya keysa sa darksucker, dahil kong angat ang darkblood sa dugo niya, dapat redblack ang liwanag na magmumula sakanya,katulad ng mga naunang bambirang may kapangyarihang liwanag at init. "Luffer!" Sigaw ni Rei at tumakbo na sila ni Dale papunta kay Blood para tulungan ito. "Kay!" Tumak

