CHAPTER 7

1009 Words
CHAPTER 7 Kiray’s PoV Habang papalapit ang alas-dose, parang may binibilang si Alex, nagka countdown ng oras. Maya-maya, bigla siyang naglabas ng isang maliit na cake, may kandila, at may nakasulat pang “Happy Birthday, Love.” Na-touched talaga ako. Nag straight sa aking kasing-kasing. Napaiyak ako. First time kong i-surprise ng cake. Pinilt kong singhutin ang nasa ilong ko. Baka bumulwak. Masira ang romantic moment. Minsan lang ito mangyari sa buhay ko. Kung hindi lang ito kontrata, iisipin kong mahal niya talaga ako. Wala pang ilang segundo, napatawa naman niya ako sa pang-aasar niya na “Ikaw na ba si Mr. Right?” At doon ko na-realize, baka nga siya na ‘yon. Pero ayokong umasa dahil pagpapanggap lang ang lahat. Hindi ko inaasahan ang mangyayari ngayong gabi. Akala ko magtatapos sa isang dinner kasama si Cong Alex ang first date namin, pero iba pala ang plano niya. Masyado ko siyang na underestimate, akala ko bongga na ang pa-dinner date niya sa isang 5 star hotel. Mas romantic pa pala siya in private. Ganito pala manligaw ang bakla. Galante. Romantic. Nakakakilig. Full of surprises talaga si Alex. Ewan ko baka gaya ng ibang lalaki, sa umpisa lang magaling. Pero oo nga pala, hindi nga pala siya pure lalaki, so baka iba rin siya sa pangkaraniwan. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ng yaya niya na si Mamang Adel na parang sabik na sabik sa apo. Tuwang-tuwa na may babae raw si Alex sa bahay. Hindi ko ma-imagine ang pressure ni Alex sa mga umaasa sa kanya na makita siyang may anak kaya siguro napilitan na siyang gumawa ng ganitong kontrata. Umakyat kami sa kwarto ni Alex. Habang umaakyat kami sa hagdan ay naungkat ang halikan namin. Kasi naman, first kiss ko yun. Medyo nakonsensya nga ako kasi yung ex ko na dalawang taon naming relasyon ay wala man lang nangyari kahit pa kiss. Kaya siguro hindi kami nagtagal. Gusto ko sana mainis dahil binigla niya ako sa halik na ‘yon pero masyadong romantic. Kaya pwede na rin. Sabi nga ni Koy, choosy pa ba ‘ko? Tapos hindi pa ako makapaniwala sa sinabi niya na “it's a tie” sa first kiss. Sa sarap ng halik niya, parang hindi first time. Ang pag simsim sa aking dila, ang pag halugad niya sa aking bibig, sinong magsasabing first kiss niya ‘yon? Hindi ko alam kung totoo. Pero bago ko pa maitanong ulit, hinila na niya ako papasok ng kwarto. Ang dami ko pa sana gustong itanong. Pero napangunahan ako ng pagka mangha. Dahil akala ko porke beki siya ay pink na ang wallpaper, may poster ng abs ng macho sa pader, basta kabaklaan. Pero hindi. Kabaliktaran ng inaasahan ko. Ang kwarto niya ay parang modern hotel, puro itim, woods, at metallic ang theme. Amoy bagong linis na leather at mamahaling pabango. May dumbbells sa isang sulok, whisky bottles sa shelf, at collection ng miniature luxury cars. Walang feminine design, pero ang lakas ng dating. Very manly. Pero kasi hindi ko malimot ang matinis niyang boses at napakataas na tili nang nakutkot ko ang kanyang ingrown. Kaya sure ako bakla siya. Kaya hindi na ako nahiya na maghubad sa presensya niya. Nakatalikod naman ako at hindi naman siguro siya magnanasa sa akin. “Alex, bakla ka ba talaga?” Alam kong napaka insensitive ng tanong kong iyon kay Alex pero gusto ko talaga yung maliwanag, galing mismo sa kanya. Yung gestures kasi niya ay lalaking lalaki. Pwede namang sweet talaga siya at wala iyong malisya. Kaso bakit kasi hinalikan niya ako? Hindi lang basta halik kundi torrid, laplap, ngab ngab. Kaya sa sobrang hiya ko, napatakbo ako sa bathroom. Nakatulala ako habang nakabukas ang pinto ng banyo ni Alex. Para akong dinala sa ibang mundo. May lghts sa kisame, may kulay pa. Led light yata ang tawag do'n. Grabe, ang linis, ang bango, at ang sosyal. Sa tiles pa lang hindi na basta basta tiles kundi white marble na may silver linings. Lowkey man ang pamumuhay niya pero ang taste niya ay pang mayaman. Sabagay, pinanganak naman talaga siyang mayaman bago pa siya nakapasok sa politika. Hindi na nakakamangha para sa gaya niyang rich kid ang mga luxurious na bagay gaya nito. May bathtub sa gitna na parang yung nakikita ko lang sa mga magazine, may tray pa na may scented candle at essential oils. Oh wow, may pa-lavender at eucalyptus na insenso. Hindi ko alam kung maliligo ako o babasbasan. Ang dami sigurong seremonya ni Cong kapag siya ay naliligo. Lumapit ako sa sink, pati ito ay high-tech, may touch sensor! "Whoa!" Nagulat ako nang kusa itong bumuhos ng tubig. Hinawakan ko ang towel, ang lambot, ang fluffy. Para akong nagpa spa sa bathroom niya sa tingin pa lang. Tumapat ako sa salamin na from head to foot, ang ganda. Pagbukas ko ng shower, parang ulan soft, relaxing, may pa-rainfall effect. Napapikit ako habang dumadaloy ang tubig sa katawan ko. Ang sarap siguro ng shower scene dito. Sa bathroom ko kasi tabo-tabo lang, hindi bagay mag-emote. Grabe, Alex, banyo pa lang, parang na-in love na ako. At pagtapos kong mag shower ay nilabhan ko ang panty ko at sinampay para may suotin akong bago pag uwi. Naghanap ako ng damit niya, t-shirt lang ang nakita kong komportbaleng suotin. Bumalik ako sa kama niya pero wala siya sa kwarto. Naligo pala siya sa ibang bathroom. Tapos, napunta ang usapan naman sa kung bakit siya naging silahis. “Gusto mo bang ikwento ko kung bakit?” Tumango ako dahil curious talaga ako. Bakit? Paano? Kailan? Nanghihinayang talaga ako, sayang ang lahi niya. Siguro kung hindi ako mag aasawa at gusto ko lang ng anak, sa kanya ako magpapabuntis. Iyon eh kung tumatayo ang junjun niya, junjun ba talaga, baka jenjen. Bigla akong nagkaroon ng idea, ito ang magiging misyon ko sa buhay, gagawin kong tunay na junjun ang jenjen niya. Pero bago ‘yun kailangan ko munang malaman bakit siya naging juding. At iyon nga, umupo siya sa tabi ko at nagsimulang magkwento. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD