Chapter 2

1554 Words
Kinakabahan ako sa gagawin ko. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Totoo ba 'to? Ano ba itong naisip ko? At bakit pa ako makikipag-date sa isang estranghero. Naglalakad na ako papunta sa SM. Napakaraming tao ang makikita mo sa session road, iyong iba may ka-holding hands, may hawak na bulaklak at kumakain ng matamis na tsokolate. Dumiretso ako sa pinakamataas na floor na kung saan makikita mo lahat bahay at kotse sa Baguio. Marami ring magkasintahan ang kumukuha ng kanilang litrato. Ako'y nainip at pumunta sa quantum. Feeling ko bumalik ulit ako sa pagkabata. Naglaro ako sa paborito kong pwesto. Pumunta ako sa may basketball ring. At may narinig akong "Uy, may chicks" Napalingon ako at tinaas ang aking kilay. 'Di ko nalang sila pinansin at saka kinuha ko ang mga bola para maglaro ng basketball. Nakailang shoot na ako. Tumataas ang aking maikling palda dahil nahihirapan akong magshoot. Dahil sa kaliitan ko, 5'2 lang ako. Nahahalataan kong pinagtitinginan ako ng mga tao kaya umalis nalang ako sa basketball. Pumunta nalang ako sa ibang mga laro. At dahil nainip na ako, nanuod na lamang ako sa mga taong sumasayaw at naglalaro. 'Di ko namalayan nagtext na pala siya. "Papunta na ako" text niya. "Sige nandito ako sa 4th floor" ang reply ko. Halaaa!! 5 percent nalang ako. Kailangan kong magcharge kaso saan at paano? Nakalimutan kong nagcharge kagabi at wala rin akong powerbank sa bahay. Kaya magtetext nalang ako sa kanya. "Hii, nandito ako sa labas ng quantum. Hintayin nalang kita. Nakakulay dilaw na jacket ang suot ko. Malolowbat na kasi ako eh." Habang naghihintay sa kanya, napaisip ako kung ano kaya itsura niya. Gwapo ba kaya siya? Maayos kaya ang date namin? Ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ako matahimik. Habang papalapit na ang oras ay mas lalo akong kinakabahan. Pumunta ako muna ako sa comfort room para mag-ayos kaunti. Inilapat ang lipstick sa aking maninipis na labi. At sinuklayan ang mahabang buhok. Simple lang ako na babae. Hindi ako mahilig mag make-up. Nakasanayan ko na rin ang mag lipstick. Bumalik na ako sa aking puwesto. At doon naghintay ng ilang minuto. Palingon lingon. Palakad lakad. Hanggang sa may lalaking nakasumbrerong dumating. Ngumiti ako sa kanya. Alam kong siya na ang kameet up ko. Hindi siya kagwapuhan. Average lang ang kanyang itsura at malaki siyang tao. Tulad ko kayumanggi din ang kanyang balat. Alam ko first time ko ito pero nandito na ako. Wala nang atrasan pa. "Hi, Call me Jeremy" sabi niya at nakipagkamay siya sa akin. "Hi, Carla naman po." tugon ko sa kanya. Natatarantang nakipagkamay sa kanya. Kasing lamig ng yelo ang aking kamay. "Tara, kain muna tayo." sabi niya. "Sige, tara sa baba doon maraming pagkain." sagot ko sa kanya. Oo nga pala kkb 'kanya-kanyang bayad' pala kami. Buti nalang may natira pa akong ipon sa bahay. Gagamitin ko nalang 'yon na allowance ko. Nagtungo kami sa food court ng SM at lumingon siya sa akin. "May klase ka pa ba mamaya?" tanong ni Jeremy. "Ahh oo, 'di naman major class. Ethics 'yong klase ko." tugon ko sa kanya habang nakangiti. "Bait naman mag-aabsent sa ethics class!" sarcastic niyang sinabi. Tumawa nalang ako. "Alam mo di mo na kailangang pumasok sa ethics class. Magbasa ka lang ng bible. Okay na 'yon." seryosong sinabi sa akin. Napaisip ako. Iba ang pagiging ethical sa pagiging moral. It doesn't mean you're being moral means you are ethical. Gusto kong sabihin na hindi pagbabasa ng bible ay ethical na. Kaso ayaw kong masira ang date namin dahil sa pagtatalo lamang. Kaya tumango na lang ako. Habang pumipili kami ng pagkain. Bigla niyang sinabi sakin "Hindi ako magririce ha!" "Bakit naman?" "Diet ako." "Ah okay. Ako magririce ako. Need ko kasi kumain." sagot ko Naghanap kami ng pwesto. Halos di mahulugang karayom ang food court. Buti nalang mayroong bakante sa isang sulok. Ako'y medyo na-awkward kasi di ako sanay na may kaharap akong lalaki na kumakain. Halos kutsara at tinidor ang maririnig mo sa amin. Walang gustong magsalita. Hanggang siya ang nagwakas ng katahimikan. " So, saan tayo pagkatapos nito?" diretsong nakatingin sa akin. Iniwas ko ang aking tingin at binalik ko ulit sa kanyang mga mata " Sa sinehan?" sambit ko sa kanya. "Sige. Doon nalang tayo." excited na pagkasabi niya. Bumalik ulit sa katahimikan. "Uy, ayos ka lang? Ang tahimik mo kasi eh." tanong niya sakin Nahalata niya ata na ako'y kinakabahan o nahihiya sa kanya. "Oo, okay lang ako. Ganito talaga ako tahimik. Minsan lang nagsasalita." "Hay naku, 'di ka mabubuhay pag ganyan. Alam mo sa barko 'di uso 'yang tahimik. 'Di ka mabubuhay niyan kapag tahimik ka." sabi niya Tumango na lamang ako "Seaman pala ako, isang buwan na akong nagbabakasyon rito sa Baguio. Ikaw ano kinukuha mo?" "Electrical engineering" sagot ko sa kanya "Nice.." aniya Hanggang sa naubos na namin ang pagkain. Umakyat na kami sa fourth floor. Tapos kinuha niya ang aking bag at isinuot sa kanyang balikat. Pumipili na kami ng kung anong papanuorin namin, may isang horror at dalawang romance. Fan na fan ako ng horror. Gusto ko sana 'yan ang panuorin namin pero bigla niyang nasambit. "Ayaw ko ng horror ha. 'Di ako nanunuod ng horror. " "Sige, yan nalang dalawa." sabi ko. "Ano ang gusto mo? James and pat and dave o On vodka, beers and regret?" tanong niya sakin. "Di ako fan ni Loisa at Ronnie eh. Yan nalang yung on vodka, beers and regret. Since si Bela Padilla ang mag-aacting." sabi ko habang nakangiti. Binigay ko na ang bayad sa kanya. Sobrang haba ng pila. Halos magkakasintahan ang mga nakapila sa bilihan ng ticket. Namula ang aking pisngi. Ito na ba ang date? Ganito ba ang feeling. Sa totoo lang kaya ako desperado makipagdate never ko pa nasubukan makipagdate kahit kanino. NBSB ako. May manliligaw naman kaso di pa ako dinadate. Kaya kakaiba sa feeling ang makipagdate sa isang estranghero. Pumasok na kami sa sinehan. 'Di pa nag uumpisa. Pinili niya doon sa may first floor at medyo malayo sa screen. Okay naman ako sa pwesto namin. Habang naghihintay. Bumili muna siya ng pagkain. Ilang minuto nalang mag uumpisa na ang palabas. Nasa kalagitnaan na ng movie at hinawakan niya ang aking ulo at isinandal sa kanyang balikat. Sinunod ko na lamang ang aking ulo patungo sa kanyang balikat. Sa bawat kissing moments, napapabuntong hininga ako. 'Di ko alam kung nararamdaman niya. 'Di ako lumilingon. Ayaw kong lumingon. Ngunit nakikita ko siya sa aking peripheral view, seryoso siyang nanunuod sa palabas. Natapos na ang palabas Napabulaslas siya na "'Yon na 'yon. Nabitin ako." "Ako rin. Parang may kulang eh." sambit ko sa kanya Nang lumabas na kami, tinanong niya ulit. "Saan tayo pupunta?" "Hindi ko alam" tugon ko habang nag- iisip kung saan nga kami tutungo. "Ah, sa Burnham nalang" bigla kong nasabi. "Sige, tara" Nagtaxi kami papuntang Burnham. Alam kong malapit ngunit ayaw niya raw maglakad. Sobrang daming tao dito sa Burnham Park. Kahit di Valentines maraming magkasintahan at turista ang namamasyal dito. Naglalakad lakad kami. Sinasariwa ang malamig na hangin. At napatapat kami sa tindero ng bangka. "Boss, sakay na kayo. 150 nalang po isang oras." sabi ng lalaki "Gusto mo sumakay?" tanong niya sa akin. "Sige." sagot ko Hindi niya alam na gustong gusto kong sumakay sa bangka na yan dahil 'di pa ako nakakasakay sa bangka kasi mahal. Siya ang nagmaneho ng bangka. Pinapadyak niya ang pedal ng bangka habang ako ay nagmamasid sa mga iba pang nakasakay sa bangka. Napatanong siya sa akin. "Madalas ka bang makipagmeet up sa omegle? " "Hindi, once lang" pagsisinungaling ko sa kanya "Ay twice pala hahaha" pagwawasto ko. "Ahhh" "Alam mo ba last week, may pinuntahan akong bahay para makipag meet up." natatawang sinabi ko sa kanya Napatigil siya sa pagmaneho at tinanong sa akin. "Talaga?, Saan naman?" "Diyan lang malapit sa amin. Sabi niya kasi Netflix and Chill daw". "Naniniwala ka naman?" "Oo, akala ko mga manunuod kami." sabi ko "Kaso?" tanong niya " Wala sabi niya balik daw ako mamayang gabi" " Ang bobo niya" bulaslas niya Napadilat ako sa sinabi niya at natanong na "Bakit?" "Wala ang bobo niya" Naintindihan ko siya kung bakit nasabi niya iyon. At alam kong may mali rin sa ginawa ko. "Speaking of netflix. Anong papanuorin niyo sana?" "Money heist daw, di ko pa napapanuod yun." "Friends, panuorin mo pati how i met your mother. Ilang beses ko na napanuod yun. Maganda yun" nakangising sinabi sa akin. "Ayy di ko pa napapanuod ng buo yan. Medyo busy atsaka iba yung pinapanuod ko na american series." sabi ko sa kanya "Ano naman?" napakunot noo siya "Iyong mga pang-bad ass , kung paano maging isang bad char. 'yong ano Prison Break, Breaking Bad tapos 'yong Lucifer season 1 palang ako." "Hahaha natapos ko na yung Lucifer. Gusto mo spoil na kita." nakangisi sa akin "Waaaggg!! Ayaw ko ng mga spoilers nuh. 'Di ko na makakalimutan yan eh!" "Sige sabi mo eh." At biglang naubos na ang aming oras. Isang oras lang ang binayaran namin. "Sige, ihatid na kita saan ka ba? " "Diyan nalang sa may porta vaga" "Sige, sige" At nakarating na kami sa Porta Vaga. Mga hapon na rin kami natapos. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpasalamat din siya sa akin. Hanggang sa humiwalay na kami ng landas. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD