KABANATA 2

339 Words
Nagmadaling umuwi si Natalie. Ang nadatnan niya sa salas ng bahay ay isang may kalbo at may edad na lalaki. Naroon din ang ama niya, madrasta, at si Irene. Mukhang galit ito at inaaway ang half- sister niya. "Irene, papakasalan kita! Sa kahit anong simbahan pa 'yan. Name it! Pero bakit mo naman ako pinaghintay buong gabi?" reklamo pa nito. Pinabayaan lamang ni Irene na sigaw- sigawan siya ng lalaki. Kahit ganoon ang hitsura ng lalaki ay masasabing playboy ito. Sandamukal ang mga babae nito! Malas lang ni Irene dahil natipuhan siya ni Kalbo. Mabuti na lamang at mahal na mahal siya ng mga magulang at pinagpalit sila ni Natalie ng posisyon. Si Natalie ang pinadala para makasiping ni Mr. Chen at hindi siya. Nandilat si Irene nang makita si Natalie. Tinakasan nito si Mr. Chen kagabi! "Mr. Chen," hinimas-himas ni Janet ang braso ng lalaki para kumalma ito. " Pasensya na po kayo. Alam niyo naman ang mga bata sa panahon ngayon, may katigasan ang ulo." "Tama po ang asawa ko, Mr. Chen. Pasensya na po kayo sa anak namin. Huwag na po kayong magalit," dagdag naman ni Rigor. "Hindi! Dahil hindi ako sinipot ng magaling niyong anak, maghanda na kayong makulong kapag hindi niyo nabayaran ang mga utang niyo sa takdang panahon!" Tinalikuran nito ang pamilyang kausap at tinungo ang pinto nang makasalubong nito si Natalie. "Napakaganda mo naman, hija. Anong pangalan mo?" 'Hala! Hindi nga si Mr. Chen ang kasama ko kagabi!' Napakagat-labi si Natalie sa kumpirmasyon na iyon. 'Binigay ko ang sarili ko sa maling tao. Ang malala pa, libre!' Biglang pumasok sa eksena si Janet at inakbayan pa si Natalie. "Mr. Chen, ito nga pala ang isa ko pang anak, si Natalie. Hindi naman sa pagmamayabang pero siya ang pinakamaganda dito sa San Jose! Syempre, mana sa akin!" Maganda si Irene kaya siya natipuhan ni Mr. Chen. Pero kung ikukumpara kay Natalie, walang panama si Irene. Halatang nagandahan si Mr. Chen kay Natalie. Hinagod pa nito ng malaswang tingin ang kabuuan ni Natalie. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD