Chapter 16 Favor Pinipilit ko sa kaniya kunin ang mga gamit ko ngunit hindi nagpatinag si Vergara. Palibhasa'y matangkad at matikas ang pangangatawan, sa liit kong ito'y hindi ko man lang siya maabot. "Ang kulit mo. Sinabi ko na kasi'ng ako na'ng magdadala ng bag mo," kunwari'y naiiyamot niyang wika ngunit nakangisi naman siya nang mapanuya. Sa pagod ay inismiran ko na lang siya. "Bakit, hindi ko naman sinabi na bitbitin mo'ng sarili kong gamit, ah?" Binalingan niya ako. "Oh, akala ko ba, pumapayag ka na sa aking gusto?" "Wala naman kasi po akong sinasabi sa 'yo na pumapayag ako, Kuya." Kumunot ang noo niya. "Kuya?" tila'y may inis akong narinig sa tono ng kaniyang boses. "Bakit? Mas matanda ka sa 'kin ng dalawang taon, hindi ba? Ang turo sa akin ni Inang, kailangang i-respeto ang

