Chapter 11

3328 Words

Chapter 11 Mariin at Nanunusok Pumasok na sa loob ng opisina ni Justice sina Ma'am Elle at Justice. Umupo ako roon at natulala. Hindi ko batid kung bakit pakiramdam ko, mali ang naging aking desisyon. Napatingin na naman ako roon sa pinto ng opisina nina Justice. Hindi ko alam kung ano'ng pinag-uusapan nila ngunit hindi ako mapakali. Gusto kong malaman. Gusto kong mabatid kung ano iyon... Nasisiraan ka na ba, Donita? Wala kang karapatang mangialam! Ilang sandali lang nang mapukaw ng aking atensyon ang sunod-sunod na bell mula sa labas ng aming opisina. Sumilip ako roon sa CCTV kung sino'ng pumasok. Isang babaeng mestisa ang nakatayo, mapula ang labi at mabigat ang make-up. Pamilyar sa akin ang hitsura noong babae. Si Georgina! Sa takot na gumawa ito ng eskandalo, akin nang pinapasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD