Chapter 14 Kill Ang mga rebelasyon na iyon ni Dimitri ang naging mitsa ng paglamat ng aming relasyon bilang magkaibigan. Hindi ko tinugunan ang nararamdaman niya, kahit pa man na sabihin niya na mahal niya ako. Masyado pa kaming mga bata at alam ko kung gaano katayog ang kaniyang pangarap upang siya'y maging sikat na mang-aawit. Kahit pa na sabihin na nating may masidhi rin akong nararamdaman sa kaniya, ayokong sumugal at hindi ito ang tamang panahon upang sumugal. Siya'y namomorblema ngayon dahil sa pressure na kaniyang natatanggap dahil sa pagsali niya sa Wind Records. Bukod pa roo'y mas lalo siyang minamatyagan ng kaniyang pamilya dahil sa kaniyang pagtanggi sa magiging pag-iisang dibdib nila balang araw ni Shyl. Hindi ko gustong guluhin ang mundo ni Dimitri. Mahal ko siya. Ngunit a

