So, simula ko ng tignan yung laman ng ref niya pero wala namang laman kundi beers, water, energy drinks basta puro drinks.
Tumingin ako sa direksyon niya na nakaupo lang sa table at nakatingin sa’kin habang nakangiti. "Paano ako magluluto kung wala namang laman ang ref mo?" Tanong ko.
"Uh..." nagkamot siya ng ulo. "Oo nga ‘no?" Seriously? "Kain nalang muna tayo sa labas?" Tanong niya.
"Akala ko ba gusto mong tikman luto ko?"
"Puwede namang mamayang dinner, sa Apartment mo." Kung sabagay tama siya. "’Tsaka ‘di ba dapat bonding time natin ngayon? Nasira dahil sa pagpunta natin sa bahay."
"Hindi naman nasira kasi nagagawa padin naman natin yun ngayon."
"So sa labas na tayo kakain?" Tanong niya. Tumango ako kasi naman wala rin naman akong choice kung hindi gugutumin kami.
Lumabas kami ng Unit ni Damon ng magkahawak kamay, wala ng babaeng nag pacute sakanya kaya naging mapayapa ang alis namin sa Condo. Baka kasi isipin pa ng mokong na ‘to na nagseselos na naman ako kahit hindi naman. Nakakainis lang talaga yung mga gano’ng babae, playgirl ako pero kung may jowa na yung lalake ‘di ko pinapatulan kaya na bu-bwiset ako sa mga tulad nung bruhang yun kita na ngang may kasama makahawi pa ng buhok wagas.
Pasalamat siya dayo lang ako dito, kundi hinila ko na buhok niya.
Binaybay na namin ni Damon ang lugar kung saan kami kakain, kung saan saan na niya ‘ko dinadala ngayon samantalang eto yung takot ko nun nung magmi-meet palang kami, ngayon pumapayag na ‘ko. Siguro dahil kilala ko na siyang matinong tao kaya gano’n.
Nakarating kami sa restaurant ‘tsaka humanap ng pwesto para makakain dahil sa totoo lang nagugutom na ‘ko. Umorder na kami ngayon ng kakainin.
"Ano sa tingin mo kung next weekend do’n naman tayo sa Unit ko?" Tanong niya habang naghihintay ng inorder namin.
"You mean mag stay ako next weekend sa Unit mo?" He nodded. "Okay." Walang pag dadalawang isip kong sabi. He grins at me. I grin back.
Finally dumating din ang order namin kaya galit galit muna ngayon dahil talaga namang nagugutom na ko. Halata niya yun kaya nanahimik nalang din muna siya. "You eat like a monster." Natatawa niyang sabi.
"Magandang monster!"
"Yah, magandang monster." He said chuckling.
Natapos ang pagkain namin at ‘di ko alam kung saan naman kami pupunta nito ngayon, basta umupo lang ako sa passenger seat at ipinikit ko na yung nga mata ko.
"Amber." Naramdaman ko ang paggising sa’kin ni Damon. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. I slowly open my eyes and i saw Damon, smiling down at me. "Nandito na tayo." He softly said.
Tumingin ako sa labas ng kotse at nakita kong nasa Apartment na kami at madilim na sa labas. "I'm home." I said sighing. Mukhang napagod ako sa byahe.
"Yup. Nag enjoy akong panuorin kang matulog."
I raised my eyebrow. "Pinanuod mo ‘kong matulog?"
"Yup, traffic eh. Kaya habang mabagal ang byahe ginawa ko nalang pangpaalis inis ang napaka ganda mong mukha."
I chuckled. "Korni!"
"Aminin mo na kinilig ka!"
I laughed softly. "Talagang papakiligin mo ‘ko ah?!"
"Ginagawa ko ang sinasabi ko."
"Goodluck again, may narinig ka na bang playgirl na kinilig?" Napaisip siya sa sinabi ko. Ako din, meron nga ba? Ako kasi talaga never pa kahit may mga naging jowa na ‘ko, kasi naman talagang nakokornihan lang ako sa mga sinasabi nila hindi kinikilig.
"Mukhang wala pa nga."
"Told yah!"
"But still gagawin ko yun." Bumaba na kami ng kotse niya ‘tsaka nag simulang maglakad papunta sa Apartment ko ng maghawak kamay.
Hmm… parang napaka normal ng araw na ‘to pero hindi naging boring siguro dahil kasama ko si Damon. Paanong naging normal? Siguro dahil simula kaninang umaga pag gising namin hanggang ngayon hindi pa kami nagtatalik. Wow!
Umupo kami sa couch ng nagkatabi at nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakaupo at tahimik lang na nakaupo sa couch ko, basta ang alam ko medyo matagal tagal din.
"Let's go to your room." Damon whispered. Siguro hindi na magiging normal day ngayon dahil gusto na niyang pumunta kami sa kwarto ko. Ibig sabihin Sexing time.
"Mmm." I hummed. He chuckled. Binuhat niya lang ako papasok ng kwarto ko ‘tsaka niya ko hiniga sa kama. Unti unti niyang tinatangal ang suot ko habang hinalikan ako sa leeg ko na ine-enjoy ko na naman. Nang underwear nalang ang suot ko, huminto na siya sa paghalik sa’kin ‘tsaka siya pumunta sa closet ko at kumuha ng damit ko. Lumapit siya sa’kin at pinaupo ako. Umupo siya sa tabi ko at isinuot sa’kin yung kinuha niyang damit ko.
Binibihisan ako ni Damon? Aba himala ‘to ah! Isang playboy binibihisan ang babae at hindi hinuhubaran?? Totoo ba ‘to? Baka naman natutulog pa din ako sa kotse niya at nananaginip pa.
Natapos niya ‘kong bihisan ‘tsaka naman niya kami hiniga ulit sa kama ng magkatabi. Ipinaunan niya lang yung braso niya sa’kin habang iniyakap naman niya yung isa niyang kamay sa’kin. "Goodnight, baby." He whispered kissing my forehead.
Hindi ba kami magpapainit ngayong gabi? Mukhang hindi dahil nag goodnight na siya. False alarm lang pala yung kanina.
Well yun na ata ang pinaka sweet na nagawa ng lalake sa’kin, ang bihisan ako. Pinaka sweet?? Wait!!! Talagang naisip ko yun? Hala ang korni!