I'm on my way to Damon's condo unit using my car. Damon said, sa unit na niya ‘ko dumiretso tsaka kami pupunta sa house ng Mama niya para kumain ng dinner.
That's my itinerary for today.
Hindi ko na alam ngayon kung paano haharapin sa muling pagkakataon ang Mama niya pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ‘ko. Kasi nga never ko pa talagang na i-experience ang mapakilala sa parents ng ex, ‘di ko din naman alam kung bakit ako tila kinakabahan samantalang kaibigan lang naman ang pagpapakilala ko sa Mama niya.
Nakarating ako sa Unit niya kaya nag doorbell na ‘ko ilang sandali lang bumukas na yung pinto at laking ngiti niya ‘kong sinalubong.
"Baby, i miss you." Pabuhat niya ‘kong yinakap na akala mo hindi kami nagkita nung nakaraang araw. Ibinaba niya ‘ko sa pagkakabuhat at tinadtad ng halik sa labi.
"Nag grocery na ‘ko kaya may lulutuin ka na dito." Excited niyang sabi.
"Ano naman ang pinamili mo?" I asked, chuckling.
"Uh... yung mga nakikita ko sa ref mo."
I laughed. "Baka naman dinamihan mo ah? Remember one night lang ako dito."
"I know." He pouts. "Bitin ang one night and one day."
"You're right." Kung puwede lang mag extend gagawin ko eh. Kaso may trabaho naman ako.
"Ready ka na sa pag punta kela Mama?" Bigla siyang sumeryoso. Pag dating talaga sa family niya ang seryoso niya.
I nodded. "Pupunta yung best friend mo?" He nodded his head. "Mag behave ka ha, ayokong maging referee tonight." I joke.
He smiled weakly. "Okay."
Hinintay ko muna si Damon sa sala habang nag bibihis siya, kasi naman kung sa kwarto pa ‘ko mag stay baka matagalan pa kami sa pagalis. Alam na kung bakit.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng Unit niya at sumakay ng elevator. Nag bukas muli ang elevator sa 15th floor at pumasok ang isang pamilyar na malanding babae, na ikinainit agad ng ulo ko. Siya yung babaeng makahawi ng buhok wagas.
"Hi, Damon." She greeted.
"Uh... Hi." Damon greeted back, awkwardly. Ngumiti naman ng napakahaliparot yung babae na akala mo hindi ako nakikita.
"Hi!" I greeted her too. Para lang malaman niya na nage-exist ako sa mundo at kasama ako ni Damon, na magkahawak kamay pa kami. Pinakita ko sakanya yung magkahawak kamay namin ni Damon. "See?? I'm with him. Puwede?? Yung pagiging maharot ipagpaliban ‘pag walang kasama yung lalake? Nakakainsulto eh!" Mataray kong sabi.
"So?" Pagtataray niya din.
I laughed frustratingly. Hinahamon talaga ako ng bruhang ‘to ah. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Damon, ‘tsaka ko hinila yung buhok nung bruhang babae.
"Woe baby, calm down!" Damon said, tinatangal niya sa pagkakasabunot yung kamay ko. Tsaka pumagitna samin.
"You f*****g b***h!" She yelled with her messy hair.
"Yah! I'm b***h, you ugly freak!" I yelled back. "Kung mas maganda ka na sa’kin ‘tsaka ka lumandi!"
"Okay, ladies calm down!" Damon calmly said to us. "Myra, puwede lumipat ka nalang muna ng elevator? Please!" Alam pa talaga niya yung pangalan ah?? Bwiset!
"It's Mika, not Myra!" Ooppss! ‘Di pala niya alam. Pinindot na ni Damon yung botton sa susunod na palapag kaya lumabas na yung bwiset na babae.
Tumingin sa’kin si Damon at halatang namangha sa ginawa ko. "Hindi ko akalain mag fi-freak out ka ng gano’n." Pinipigilan niyang tumawa. I rolled my eyes.
"Alam mo ang harot mo din eh, puwede gawin mo ‘yan ‘pag wala ako?" Irita kong sabi.
"I was just being friendly, baby." Friendly niya mukha niya! Ginawa pa niya ‘kong ignurante sa mga gano’ng bagay samantalang gawain ko ‘yan.
"Do it, kung wala ako!"
Ako ang unang lumabas sa elevator at hinanap agad yung kotse niya para do’n siya hintayin. Naiirita pa din ako at mukhang mabubuntong ko ‘to kay Damon dahil sa kaharutan niya.
"Amber?" He called. Amber lang gano’n? Hindi na baby? Bakit kasi may kaharutan siya? Haay! Diyos ko Lord!! Nakakabwiset!! "Baby," He called again.
"What?" Irita kong tanong. Nag paawa look siya sa’kin na akala naman niya effective. Tsss!
"Sorry na." Paglalambing niya. Lumapit siya sa’kin at hinawakan yung dalawa kong kamay ‘tsaka inilagay sa pisnge niya. "Sorry na, pleeease." He smiled, sweetly making me smile weakly.
"Oo na, sige na! Alis na tayo baka hinahanap na tayo ni Tita." I tried not to show him my smile but it's hard.
He nods grinning. "Yes, Ma'am!" Sumaludo siya na akala mo isang sundalo. Para siyang ewan!!