Nag prepare na ‘ko sa pagtulog. No text from Damon, siguro dahil sa tinext kong pumunta siya kaya baka pumunta siya na dahilan kaya ‘di nagtetext ang mokong. Pero syempre masyado naman akong assumera do’n, masyado ng gabi kaya imposibleng pumunta siya.
Pero aaminin ko umaasa ako.
Humiga na ‘ko sa kama ko at pinatay na ang lahat ng ilaw, para mabilis makatulog. Sana nga makatulog na ‘ko.
Nararamdaman ko na ang antok ng makarinig ako ng doorbell, mula sa labas. Napaupo ako sa excitement, maybe tama ako ng hinala pumunta nga si Damon.
Dali dali akong lumabas ng kwarto ko para pag buksan kung sino man yung tao sa labas. Pag bukas ko ng pinto, laking pagkadismaya ko na ang makita ko ay si Ian... na naman!!
So, mali ako… hindi nga talaga siya pupunta. Mas worst si Ian pa ang nandito.
"Ambeeer!" He sounds drunk. Seriously?? Gano’n ba siya kadispirado na kahit na lasing siya pupunta pa siya dito para lang manggulo?
"Umuwi ka na!" Inis kong sabi. Isasarado ko na sana yung pinto pero hinarang niya yung kamay niya.
"Bumalik ka na sa’kin, babe." Dispirado na nga siya.
"Wala kong planong gawin yun! Umuwi ka na nga!!" He shakes his head, making me groans loudly.
Hinawakan niya ‘ko sa braso ko, kaya nag pumiglas ako. "Pag ‘di ka pa umuwi tatawag na talaga ako ng pulis!" I warned.
"Babe," ‘Di niya pinansin yung sinabi ko at bigla akong niyakap. Tinulak ko siya ng buo kong lakas kaya napabitiw siya ng yakap sa’kin at napaatras, ‘tsaka ko siya sinampal ng malakas baka sakaling matauhan siya. Pero dahil sa ginawa kong yun sumakit lang yung kamay ko.
"Baby?!" I froze as i heard Damon's calm voice. Sabay kaming napatingin ni Ian sa direksyon niya, seryoso siyang nakatingin lang sa’min. "Is everything, okay?" He asked. Naglakad siya papalapit sa’min at sinamaan ng tingin si Ian.
"Back off dude, she's mine." Damon told Ian.
"Amber is mine!" Ian said. Kailangan ko ng kumilos bago pa magkagulo dito, ako ang kawawa pag nag away sila dahil mahirap maging referee ng dalawang hot na lalake sa harap ko.
I grabbed Damon's arm, pulling him closer to me. Then humarang na ‘ko sa pagitan nila bago pa may mangyaring gulo. "Umuwi ka na, Ian!"
"Babe," Oh s**t! He's still not giving up. Lalo lang akong naiirita sakanya.
"Puwede ba! Gusto ko ng matulog!!" I hissed. Hinila ko na papasok si Damon ‘tsaka sinarhan na ng pinto si Ian. I sighed frustratingly as i closed the door. Nakakainis talaga!!
"Ayos ka lang?" Damon asked.
"Oo." Matipid kong sabi.
"Sino ba siya?"
"Ex ko." Huminga ko ng malalim. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kahit na alam ko naman na ang sagot.
"Sabi mo kasi pumunta ako, kaya pumunta ako." Unti-unting lumabas ang ngiti sa labi ko, ‘tsaka ko siya biglang niyakap. Okay aaminin ko natuwa ako sa sinabi niya. Langyang ‘to! Puwede namang sabihin na pupunta siya kailangan talaga surprise pa, ‘yan tuloy napayakap ako sakanya sa tuwa.
"Tulog na tayo?" Tanong niya. Tumango ako pero nag stay lang ako sa pagkakayakap sakanya. Sana buhatin niya ‘ko! Gusto kong mag pabuhat pero ayoko namang sabihin yun, sana makaramdam siya.
Mukhang naramdaman naman niya dahil binuhat nga niya ko papunta sa kwarto ko, ‘tsaka hiniga ako sa kama. Hinubad niya lang yung polo shirt niya ‘tsaka sando bago tumabi sa’kin sa paghiga. Iniyakap niya ‘ko sakanya.
"Pwede ka na bang mag kwento?"
"Kwento?" Pagtataka ko. Ano namang iku-kwneto ko sakanya?
"Tungkol sa ex mong nandito kanina. Bakit siya nandito?"
"Nakikipag balikan siya sa’kin."
Pumusisyon siya sa ibabaw ko at tinitigan ang mga mata. I look down at his lips, hinawakan ko siya sa magkabilang ‘tsaka ko siya hinalikan sa labi pero ‘di niya sinuklian ang halik na yun, basta nakatingin lang siya sa’kin.
"Are you okay?" I asked. Hindi siya sumagot. "Damon?"
"Ayos lang kung babalikan mo siya." He finally speaks.
"Bakit mo naman naisip na babalikan ko siya?"
"Hindi ba?"
"Hindi! Dahil wala akong binabalikan na ex." He halfs a smile and he kisses my neck. Unti unti niyang tinatangal ang suot ko habang hinahalikan ang labi ko. Tumigil siya sandali sa paghalik sa’kin at tinignan ako sa mga mata.
"I like you." I think huminto ang mundo ko sa sinabi niya, this is unexpected. I don't know what to feel, i don't know what to react. But i think i know what to say.
"I like you too." He grins, i grin back. Hinalikan niya ulit ako at mas lalong nag init ang halik namin dahil sa inamin namin para sa isa’t isa. Ngayon, hindi nalang kami textmate na nag se-s*x lang… gusto namin ang isa’t isa kaya kami nag se-s*x. Nag level up kahit papaano.