Isang mahabang byahe ang binaybay ko palayo sa Unit ni Damon hanggang sa favorite Coffee shop namin nung mga kaibigan ko. Dito ako dumiretso after do’n, ‘di ko alam pero dito ako dinala ng utak ko. Siguro dahil talagang comfort food ko ang cake na meron sa shop na ‘to kaya dito ako dumiretso. Pero wala naman akong ginawa kundi titigan lang yung cake at tusok tusuking ng maliit na tinidor kong hawak. Siguro nga umaangal na ‘to sa sakit. Anong nang mangyayari ngayong ‘di na kami magkikita? Well isa lang ang panigurado wala nang magpapaligaya ng weekend nights ko. Kung kelan naman kasi ang okay ng lahat ‘tsaka pa may ganung panaginip?! Nananandya ba yun? Bwiset! "Amber Tuazon!" Isang pamilyar na boses ng babae ang bumasag sa malalim kong pag iisip. I look up at her and

