Kakatapos ko lang tumakbo mula sa treadmill ko, inabot ata ako ng isang oras para lang do’n. Isa ‘to sa mga daily routine ko para ‘di mawala ang sexy body ko.
I go straight to kitchen to get some water from my refrigerator. I badly need it, now.
Naglabas na din ako sa ref ng puwedeng lutuin ko for breakfast, kain agad after mag jogging pero pancakes lang naman.
Nag prepare ako ng bowl, water and yung flour na gagamitin para do’n sa pancakes ko ‘tsaka ko sinimulan ang pagluluto.
Inilagay ko sa plato ang naluto kong pancakes at nilagyan ko ‘to ng syrup dagdag lasa, ‘tsaka nag timpla na din ng coffee bilang partner nito.
Narinig kong may nagtext mula sa cellphone ko kaya bago simulan ang pagkain ng breakfast, kinuha ko yung cellphone ko at binasa ang text na mula kay Damon.
Isang linggo na din ang nakakalipas mula nang na wrong call siya sa’kin at hanggang ngayon magkatext pa din kami. Hindi ko alam kung bakit nakikipag text ako sakanya siguro talagang nakakaturn on ang boses niya.
*** Good morning, baby. *** He flirted.
*** Morning, sexy voice. ***
I flirt back. Hindi n’yo na maitatanong, magaling din akong lumandi. Let's just say na playgirl ako at sanay na ‘ko sa malalanding lalake na feeling ko tulad ni Damon.
Nag simula na ‘kong kumain ng breakfast.
*** Hey, I was just wondering would you like to meet? ***
Good idea! Pero ayoko dahil baka masama ‘tong tao at dalhin ako kung saan saan tapos gahasain ako ‘tsaka patayin. Okay, ang O.A nun pero naninigurado lang.
Pero tempting din kasi naman naiintriga na ‘ko sa itsura niya, wala naman daw kasi siyang social media accounts kaya ‘di ko pa nakikita itsura niya.
*** I'm not into that. ***
*** No worries, baby. I'm a good man. Kung gusto mo mag dala ka ng pulis para sure kang safe sakin. ***
Natawa ako sa text niya, mukhang naisip niya yung iniisip ko.
*** I'm not saying na bad person ka. Naninigurado lang. ***
Uminum ako ang cappuccino flavored coffee ko.
*** Ganto nalang, ikaw ang pumili ng lugar dun sa madami kang kilala para kung may gawin ako pabugbog mo ko. ***
I grin. *** You really want to see me, huh! ***
*** Syempre naman, ikaw ba hindi? ***
Hmm... tempting talaga. Okay papayag na ‘ko, bahala na.
*** Wala ka talagang gagawing masasama? ***
*** Wala, pangako! Meet lang. ***
*** Okay! ****
*** :)))))))))))))) talaga? Where? *** Saya niya ah! Haha!
I texted him where then after nun, ‘di na ‘ko nag reply sa text niya at nag focus na sa pag kain ko. Nakaramdam ako ng kaba at excitement na makita siya.
Finally ang isang linggo ko ng textmate ay makikita ko na. Hmmm… Sana nga good boy siya, kung hindi gagamitan ko siya ng mga natutunan ko sa ex kong marunong ng taekwando at ang una kong sisipain ang maselan niyang bahagi. I laughed, evilly.
---
Dumating na ang oras na pagme-meet namin, sa Club kung saan ako madalas tumambay at kilala ko na ang mga bouncers kaya pag may ginawa siyang masama papagulpi ko siya ng bongga.
*** I'm already here baby, where are you? ***
He texted ng mai-park ko ang kotse ko.
*** Nandito na wait lang, sexy voice. ***
Dali-dali akong bumaba ng kotse ko.
*** Im at the Bar station, drinking vodka. Lapitan mo lang ako. ;) ***
Tumakbo ng mabilis ang puso ko dahil sa excitement. Wait me there sexy voice. Sana naman hindi ‘to pangit dahil baka bigla ko nalang siyang takbuhan. Haha. Ang sama ko do’n, mag Ha-Hi pa din naman ako, syempre.
Tumingin ako sa Bar station at tatlong lalake ang nakaupo do’n, dalawa ang cute isa ang puweda na. Mas lalo akong nakaramdam ng excitement dahil hindi naman pala pangit ang imi-meet ko, pero sino sakanila si Damon? Hmm... sabi niya umiinum siya ng vodka kaya kung sino sakanila yung umiinum ng vodka siya yun.
Dahan dahan akong lumapit sa Bar station at sinilip yung iniinum nung dalawang lalake.. parehong vodka ang iniinum nila. Seriously??? Gosh!
Isang medyo sexy ang nasa left side na umiinum at may hawak na cellphone na tila may ka-text. Ang isa naman ay umiinum lang pero siya ang mas may itsura sakanila, with his fitted T-shirt. Fitted kasi wow na wow ang biceps niya base sa katawan niya nag wo-work out siya. Model type ang body niya. I shake my head. Tila ko siya hinuhubaran sa tingin palang.
Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan siya, gusto kong makasigurado kung sino sakanila baka kasi mapahiya ako pag nilapitan ko ang wrong guy.
Si hot type model ang may sinagot na cellphone. "Saan ka na?" His sexy voice runs to my eardrum. Ohmy!! Siya si Damon. What a lucky night!!
"I'm at your back, wearing red dress." I answered. Lumingon siya at na lock ang paningin naming dalawa ‘tsaka unti unting ngumiti ng sobrang sexy naman talaga.
Diyos ko gusto ko siyang ihiga sa kama ko, ngayon na!! Mukhang ako pa ata ang may gagawin ng masama sakanya.
"Why are you standing there? Lumapit ka." He said, making me feel like an idiot. Seriously Amber?? Umayos ka nga!
Naglakad na ‘ko papalapit sakanya at tinabihan na siya sa pag upo. He offered his hand. "We finally met, baby."
"Y-yah! Sexy voice." I said as we shake our hands. He grins at me, pressing his thumb on his lower lips that I want to bite. Ohh! I want to slap myself. Cut it off, Amber! Behave your, hormones.