chapter 3: bulwagan

1740 Words
"You stupid" patawang sabi ni agatha kay eros sabay buklat sa libro niya upang mag simula ulit sa pagbabasa. Eros sat down in his designated seat, close to Agatha, and she too opened her book to start reading. The office returned to its gentle quiet, only the hum of the air conditioner filling the room. Biglang tumunog ang telepono ni agatha,tumayo si eros at inabot ito sa kanya. "Ma'am" tawag ni eros sa kanya habang inaabot ang telepono. Kinuha naman ito ni agatha, at kaunting nag ka eye contact kay eros "hello?" Ani ni agatha sa telepono, nagsusulat ito habang may kausap sa telepono at nakatayo lamang si eros sa harap nito upang hintayin matapos si agatha. "Good afternoon, ma'am Zephaniah," sagot ng katawag niya. "We invite you, if you would graciously oblige us, to attend our forthcoming festivity, celebrating the victorious occasion of the pageant. We would be overjoyed to have you." Ani nito. Zephaniah was a popular model, thus pageant celebrations always offered an invitation to her. "Good afternoon" Zephaniah greeted the caller. "Ahh, the pageant victory celebration. I don't mind at all, I'd be more than happy to attend." sagot nito sa kausap niya, sabay baba ng telepono at inabot kay eros. Napakunot ng noo si eros dahil hindi man lang si agatha nag pasalamat sa nag imbita sa kaniya, naalala ni eros na sa beauty pageant din mangyayari ang paglason ng babae nobyo nito, his a popular actor na inimbitahan rin sa celebrasyon nayun pero patago lamang niyang sinama ang nobya niya, akala ng mga tao roon ay lasing lamang ang lalake ngunit nilason na pala ito ng babae at nilagyan ng pampahilo sa wine nito, dinala niya ito sa bahay niya at doon pinagnasaan ng babae at pagkatapos ay niluto ang ibang parte ng katawan ng lalake. "Hey, stupid?" Tawag ni agatha kay eros dahil kanina pa nasa harapan nito at tulala. "Beauty pageant? Pwede poba sumama roon?" Tanong ni eros kay agatha. nakita ni agatha sa mata nito ang pananabik niya na pumunta sa beauty pageant kaya sinubukan niya itong asarin. "Hindi, hindi pwede isip bata don." Pabirong sagot nito "baka magalit mama mo e" ani pa nito. "Mama ko?" Patakang tanong ni eros sa kaniya sabay ng pag taas ng kilay nito. "Hindi, lola ko." Pataray na sagot naman ni agatha habang nagsusulat. "Lola mo?" Mas lalong napakunot ng noo si eros sa sagot ni agatha, dahil sa hirap nitong maintindihan ang sinabi ng babae. "Oo, lola mo" sagot nito uli. "Huh?" Napakamot nalang sa batok si eros dahil hindi niya maintindihan si agatha, kaya umupo nalang ito sa upuan niya. Umidlip muna si eros at hinihintay na paalisin siya ni agatha, hanggang lubusan siyang nakatulog ng mahimbing. Naalimpungatan si eros at nakita ang langit na Madilim na, nabaling ang tingin nito kay agatha na nakatulog narin sa pagbabasa at pagsusulat, kumuha ng maliit na kumot si eros at e-kinumot kay agatha, habang tinititigan niya ang babae, kaunti itong ngumiti at napagtanto niya napaka ganda ng babae. Dahan dahan umalis si eros sa office ni agatha upang hindi niya ito magising. "EROS!" Malakas na sigaw ni agatha kay eros, dahil sa lawak ng mansyon nito ay mas lalo pang lumakas ang sigaw nito at nag pagising sa mga tao roon. Bumangon si eros sa kama niya, hindi halos maibuka ang mga mata nito dahil sa hindi ito nakatulog ng maayos noong gabi. Paika-ika pa ito naglakad sa pagmamadali, nakapantulog pa ito na damit at nakalimot mag palit. "Hoy eros! Tanghali na hindi kapa handa, magbihis kana don!" Sigaw ni agatha sa taas ng hagdaan. "Saan po tayo pupunta?!" Sigaw nito kay agatha dahil may kalayuan at mataas ang hagdan ng mansyon niya. "Sa celebrasyon!" Pasigaw na sagot nito. Nagulat at lumaki ang mata ni eros dahil hindi niya alam na ngayong araw na pala ang celebrasyon, dahil sa pagkapunit at basa ng papel niya ay unti lang ang nakuha niyang impormasyon. Nag madali ito maligo at magbihis upang hindi sila mahuli. May kalayuan ang pupuntahan nila umabot sila ng hapon sa pagdating, halos dinumog sila ng mga tao at kung saan man sila tumingin ay may mga camera, nagulat si eros dahil hindi niya alam na ganoon ka sikat si agatha. "Ms. Zephaniah, masaya po ako nakaabot kayo sa celebrasyon, dito po ang daan" masayang bati sa kanila ng nag aayos ng celebrasyon. Nang pumasok ang dalawa sa bulwagan, ito ay napaka ganda at malaki, maraming mga model at mga artista ang naroroon, may mga pinaka sikat at meroon namang hindi. Nag kahiwalay si agatha at si eros, si eros ay naiwan sa sulok at nakatayo lamang roon habang si agatha ay nag patuloy upang makipag usap sa mga kakilala nitong kapwa modelo at modela. Lumapit ang isang babae kay agatha na tila isang modela rin, magarbo ang suot nito at kumikinang ang kaniyang mukha sa ganda "Hey agatha, is that your boyfriend? " tanong ng babae kay agatha, humarap si agatha sa kaniya at nakita na tinuturo nito si eros Tumaas ang kilay ni agatha sa sinabi ng babae. "Nuh, it's my body guard." agatha said then smile, habang si eros ay walang alam na pinaguusapan siya ng dalawang babae. Napangiti ang babae kay agatha at bumaling ang tingin nito kay eros sabay hawak sa mapula nitong labi."What a handsome young man" ani pa nito, nandiri si agatha sa ikinilos ng babae ngunit hindi niya ito pinakita. Napahalukipkip si agatha "You can take him if you want" sagot naman niya sa babae at ngumiti habang pinipigilan ang hindi malamang pagkainis niya. "Oh really" napangiti ang babae sa sinabi ni agatha, nilagpasan nito si agatha upang puntahan na sana si eros. Ngunit napahinto ito ng nag salita si agatha. "If you can" ani ni agatha sa kaniya, napalingon ang babae at binigyan ng nakakainis na mukha si agatha, hindi nito pansin na pinaglalaruan lang pala siya ni agatha. Umalis ang babae na nag dadabog dahil sa inis, habang nag lalakad ang babae at binigyan ito ni agatha ng mapang asar na ngiti. "What a stupid girl" bulong ni agatha sa sarili. Nabaling ang tingin ni agatha kay eros na kanina pa hindi mapakali at parang may hinahanap na tao, lalapitan niya na sana ito kaso sa dami ng tao na kumakausap sa kaniya at lumalapit sa kaniya ay hindi niya magawang lapitan si eros. "Ano bang itsura ng dalawa, ang daming tao." Nakasimangot na sabi ni eros sa sarili, lakad ito ng lakad para hanapin ang lalake at babae ngunit sa dami ng tao ay nahihirapan siya. Hindi sumuko sa pag hahanap si eros dahil nanganganib ang buhay ng lalake dahil sa oras na nainom niya ang lason ay mamamatay ang lalake. "Maganda hapon sa inyong lahat!" Malakas na boses ang nagsalita sa harap ng maraming tao, napahinto ang lahat dahil doon, tumingin ang mga tao sa stage at nakinig sa nag sasalita, nang nag simula na ang ang celebrasyon ay umupo na ang mga na tao sa kaniya kaniya nitong upuan, nakahinga si eros ng makitang unti na lamang ang nakatayo. Tumingin ito sa lahat sulok ng bulwagan ngunit wala siyang mapansin na kakaiba. Nag simula na ang mga kaganapan sa bulwagan maraming ganap sa entablado may kumakanta at sumasayaw na mga sikat na dancer at singer na mas lalo pang nag paingay sa mga tao. "Stupid guy, ano ginagawa mo?" Biglang sumulpot si agatha sa harapan ni eros ngunit panay hanap parin ito sa dalawang tao. Hindi pansin ni eros si agatha dahil rito. Inapakan ni agatha ang paa ni eros gamit ang mahabang takong nito, napahawak sa paa at napa aray si eros dahil sa sakit. "Aray!" Sigaw nito, napa usog ito sa babae nasalikuran niya, aksidentehang natapon ang wine na hawak nito at natapon sa damit ng babae. "Sorry" paghingi nito ng sorry sa babae. Napaharap ang babae kay eros at binigyan siya ng galit na mukha "mag ingat ka sa susunod" malamig na sagot ng babae. "Tsk, anong nangyari sa iyo. Mahal pa naman yang dress na yan" pabulong na sabi ng lalake sa babae, napatingin naman si eros sa kanila at pinag masdan ang dalawa. "Hey, ikaw bayan lance?" Sumali si agatha sa usapan ng babae at lalake. Bumaling naman ang tingin ng lalake kay agatha at ngumiti ito ng malaki sabay ng pag tapik nito sa braso ni agatha na parang matagal na silang mag kakilala. Habang nakahalukipkip si agatha ay napatingin ito sa kamay ng lalaking malakas ang kapit sa braso nito. Biglang gumalaw si eros at inalis ang kamay ng lalake kay agatha. "Aba, bastos kang lalake ka ha! Sino kaba!" Dahil sa malakas ng pag kakasigaw ng lalake ay nag si tinginan ang mga tao sa kanila. "Babae siya, hindi dapat ganiyan ang pagtrato sa babae" seryoso na sagot ni eros sa lalake. "Tarantado kaba!" Naasar ang lalake sa sagot ni eros at minura niya ito. "Lance tama nayan..." pinigilan ito ng babae "uminom ka muna nito" ani pa nito. Tumingin ang lalake kay agatha"Pasensya na agatha, bastos yang lalakeng yan e." Ani niya sabay abot sa wine na inabot ng nobya nito. Napansin ni agatha ang babae na katabi ni lance"Teka, hindi ko alam na may girlfriend kana ngayon ah" saad nito habang naka tingin sa babae. Napahawak ang babae sa kamay nito at napayuko "ah, hindi ko yan siya girlfriend, katulong kulang yan" sagot ng lalake kay agatha. Naalala ni eros ang palihim ng relasyon ng dalawa, tumingin ito sa kamay ng babae at lalake, pareho sila ng sising. Napag tanto ni eros na sila na ang kanina niya pa hinahanap "Wag mo inumin yan!" Sigaw ni eros sa lalake sabay hampas sa wine na iinumin na sana ng lalake, tumalsik ito sa sahig na gumawa ng malakas na ingay sa pagkakabasag nito. "Kanina kapang lalake ka ha!" Tuluyan ng nagalit at sumigaw ang lalake sa ginawa ni eros. "May lason ang wine nayan" sagot ni eros, nagulat ang mga tao sa sinabi niya. Tinuro ng lalake si eros at parang gusto na niya itong suntukin "sisiraan mopa girlfriend ko ha!" Aksindente nito nabanggit ng nobya niya sa harap ng mga tao na mas lalong nagpagulat sa mga tao. "H...hindi, hindi ko siya girlfriend, ang ibig kong sabihin-" natatarantang paliwanag nito. tatakbo na sana ang babae ngunit hinila ni agatha ang dress nito, dahil sa malakas ng pagkakahila ay nahulog ang isang maliit na bote sa bulsa niya. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD