Chapter 2

1804 Words
L U C A Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos mula noong gabing uminom kami ni Zig sa Drunkin' Doorman. Hanggang ngayon kasi ay nasa isip ko pa rin ang lalakeng nakilala ko noong gabing 'yon. Si Rex. Rex Gomez. Today is Monday at heto ako, nakahiga sa kama habang hawak ang identification card ng gwapong lalakeng 'yon. Sa aking tingin ay hindi ito isang goverment ID dahil wala namang nakalagay na eksaktong pangalan kung para saan ito. Marahil ay isa 'tong customised identification card na ginagamit niya tuwing hihingan siya ng information sa kung saan kinakailangan. I rolled on the other side of my bed. The vacation starts here. Still, I got those back loads that I need to prioritise. Mabuti nalang at mayroon pa akong dalawang linggo bago simulan 'yon. Two weeks and after that, mabubugbog na naman ang utak ko sa loob ng isang buwan. Ayoko muna isipin ang masalimuot na parteng 'yon ng bakasyon ko. Sa ngayon ay kailangan kong isipin kung paano kami magkikitang muli ng lalakeng nasa card na hawak ko. I've tried to message the number on the card yesterday pero he didn't respond. Hi! I don't know if you can still remember me. Probably, not. I'm the guy you saved from the bald guy at the Drunkin' Doorman resto bar, two nights ago. You left your ID when you sat on our table and I have it right now. Gusto ko sanang isauli 'yon sa'yo. That was the text I sent him. Hindi ko alam kung nabasa niya 'yon o wala lang siyang load kaya hindi siya maka-reply. That's too silly to think. Sa itsura niyang 'yon, mukha namang may kaya siya sa buhay. The name of the address is unfamiliar. Hindi ko alam kung saang probinsya ito. I'm residing in the capital city and I would know the place kung malapit lang ito rito ngunit ito ang unang pagkakataon na mabasa ko ang pangalan ng address niya. He's obviously not from here. Buwan City I got up from bed when an idea popped in to my head. Kinuha ko ang laptop mula sa bedside table ko at binuksan ito. I immediately went to the internet to search the place. Nagulat ako nang makita na ang lugar na 'yon ay limang oras ang layo mula rito sa Bahaghari City kung saan ako nakatira. Isinara ko na ang laptop. That's five long hours of drive using a car. Kung doon siya nakatira, bakit nandito siya sa syudad noong nakaraang gabi? Habang nag-iisip, tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa table. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. It's from an unknown number but when I looked closely, napagtanto kong ito ang number ng lalake sa card. Hindi ko maitago ang pagkataranta ko dulot ng labis na pagkasabik. Ilang beses akong napalunok bago tuluyang sinagot ang tawag na 'yon. Napapikit ako habang nakangiti. "Hello?" pilit kong kinalma ang boses ko. "Who's this?" ang tanong ko kahit alam ko naman kung sino siya. Para-paraan lang para hindi naman halatang hinihintay ko ang tawag niya. I was planning to call him kahapon pa pero hindi ko magawa-gawa dahil nahihiya ako but it seems like, hindi na kailangan 'yon. A manly voice blessed my ear. "Hi. I'm Rex, the owner of the ID." Ang pakilala nito. Napangiti ako when for the second time, I heard his voice. "Yeah, yeah. I believe, I messaged you yesterday about your ID? Tama ba?" sagot ko rito nang kalmado ngunit sa loob ko ay sasabog na ako sa kilig. "Nabasa ko 'yon. I'm sorry, I wasn't able to respond yesterday. I was at the hospital, my dad is in there." His voice sounds worried. Nagulat ako sa narinig. Malamang ay iyon rin ang dahilan kung bakit nagmamadali siya noong gabing may tumawag sa kanya. "About the ID, I can come and get it there. Maybe, after 2 weeks. Nandito na ako sa Buwan City. Hindi ako makakabyahe agad hangga't hindi pa siya nadi-discharge sa hospital." Paliwanag nito. Napatango-tango ako out of disappointment. Akala ko pa naman ay makakapunta siya rito soonest. "But won't you need it now? I mean, I'm careless when it comes to stuff. I wouldn't want to lose your ID." Pagdadahilan ko rito, thinking that if I say that excuse, he'll change his mind and get his ID as soon as possible. And yes, I know. I'm being selfish and inconsiderate with him. Kahit narinig ko namang sinabi niya na hindi siya basta-basta makaka-byahe rito dahil sa tatay niyang nasa hospital. Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "If it's not a big of an inconvenience to you, you can send me the card through a courier. I'll be paying all the charges." He suggested. Napapikit ako dahil sa pagka-dismaya. He is asking me if I can send it to him through a courier. Edi lalo kaming hindi nagkitang dalawa? Sira ang diskarte ko kapag pumayag ako sa gusto niya. I can't think of anything to answer him and how will I refuse to his suggestion. Then, a naughty and reckless idea came in to my mind. Napatango ako sa kawalan habang suot ang isang sabik na ngiti. "Sa tingin ko, hindi na iyon kailangan." I proudly answered him. "Ako na mismo ang maghahatid d'yan sa inyo. We'll meet in person and hand you the card." That's the best idea that I can think of. Alam kong iyon ang pinaka-effective na paraan para magkita kaming muli. Halata ang pagkagulat sa boses niya. "What? No. I wouldn't want to bother you that much. Buwan City is too far from there." He worriedly replied. "It won't be a bother for me, I promise. Pupunta kami ng best friend ko d'yan para magbakasyon ng dalawang linggo. Good thing I remembered." Pagsisinungaling ko sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala. "Are you sure?" "Yes." I answered with so much confidence. "Sa isang araw na nga pala 'yon. Just tell me where we could meet kapag nandyan na kami...and maybe, we could bond a little while we are there." Paliwanag ko pa na nagawa pang isingit ang plano kong patagalin ang momentum na makasama at makilala siya. "If you're insisting, then that's definitely fine with me." Natuwa ako nang sumang-ayon siya sa akin. "I would love to see you again." Muntik ko nang ma-off ang cellphone ko dahil sa higpit ng paghawak ko rito, dulot ng matinding kilig nang marinig ang huling sinabi niya. Kinalma ko ang sarili ko bago siya sagutin. "It's settled, then." Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ko. "See you there!" I told him before ending the call. Damn! That was unexpected! Nang maibaba ko ang cellphone ko sa lamesa, napakagat-labi ako dahil sa excitement. But wait...si Zig! He doesn't know about this. I mean, I told him about Rex and how much I want to see him again pero wala naman talaga kaming planong magbakasyon sa Buwan City. That was a lie. Sigurado akong kapag nalaman niya itong kasinungaling sinabi ko kay Rex at nalaman niyang dinamay ko siya sa plano ko ay baka kotongan ako no'n. Siguradong papalag siya at hindi sasang-ayon sa plano ko. What should I do? From being so excited, I got so nervous. Nervous that everything will mess up if Zig will not support me on this one. I need him! Kinuha kong muli ang cellphone ko at nagtipa ng message roon, telling Zig to come over. I'll tell him everything about my plan. Kung kailangang pilitin ko siya nang sobra para lang matuloy 'yon, gagawin ko. After an hour... "Are you out of your mind, Luca?!" Zig stood up as soon as he heard everything. Nasa loob kami ng kwarto ko. He couldn't believe what I've told him. Inis ako nitong tinitingnan ngayon ngunit nakangiti naman ako sa kanya. "No, I'm not."  I answered him. "Two weeks lang naman tayo roon! Just take it as our summer vacation together, since pagkatapos no'n ay magsa-summer classes na ako. Ang lungkot na naman ng buhay ko habang ikaw, wala kang iintindihing kahit ano at mae-enjoy mo nang buo ang bakasyon mo." I pouted and looked away. This is one of my techniques para magmukhang kawawa sa harap ni Zig. He came closer to me. Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. "You have summer classes because you didn't pay proper attention to your subjects, Luca. It's not my fault. Hindi ako nagkulang ng paalala sa'yo." Inis nitong sabi sa akin. Mukhang hindi effective ang paawa technique ko ngayon sa kanya. Nakakainis. "Two weeks is a long period of time. Isa pa, Buwan City is very far from here. What got into your mind for you to tell him that you're going there, just to give his ID back? Maraming paraan, Luca. Marami!" He's really pissed right now, the way he spit those facts. Napairap ako kay Zig. "I know! Mali na ako. Alam ko naman 'yon, eh. I'm being unreasonable right now." Pag-amin ko sa kanya. Then, I stood up and moved closer to him. I hugged his arm. "But that was the only way I could think of, para magkita kami ulit. And it wouldn't be possible without you. Kaya please?" I looked at him while I'm still hugging his arm. Nakatingin ito sa akin na may inis pa rin sa kanyang mukha. "No." He said with so much conviction. Agad kong binitawan ang braso niya at umupo sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin. "Fine!" I shouted at him. "Kung ayaw mo talaga akong samahan, ako nalang ang pupunta roon mag-isa. Magco-commute nalang ako." Mariin kong sabi sa kanya. If he will not support me on this, bahala siya. Tama rin naman siya, eh. Hindi madali ang bagay na hinihiling ko sa kanya. Hindi ko na sana siya sinama pa sa plano kong ito, in the first place. Tumalikod siya sa akin at napasabunot sa kanyang sarili. Ilang segundo siyang nakatingin lang sa harap ng bintana ng kwarto ko. I was just staring at his back. When he turned to me, I immediately looked away. "Just this once! I'll go with you." Napangiti ako nang sabihin niya 'yon. "Pero hindi tayo magtatagal roon, definitely not for two weeks. Sasamahan lang kita to give his ID back at dahil nag-aalala ako sa 'yo." When he said that, otomatikong nagbago ang mood ko. I stood up and hugged him. "Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis eh!" Ang sabi ko habang nakayakap ako sa kanya. Ramdam kong naiinis pa rin siya dahil hindi man lang siya kumibo para yakapin ako. "Thank you, Zig!" I pinched his cheek nang bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. He's looking pissed and annoyed. I looked at Rex's ID and can't help but to smile even wider now. I can't wait to see him again. -End of Chapter 2-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD