L U C A Kinaumagahan, sabay kaming nagcheck-out sa hotel ng beach resort. Dala ang mga bagahe namin, ipinasok namin iyon sa kotse ni Zig. Matapos masigurong wala na kaming nakalimutan, pumasok na kaming dalawa sa loob. Sa pagkakataong ito, nasa dati ko na akong pwesto sa loob ng sasakyan niya, sa harapan habang katabi siyang nagmamaneho. Nilisan namin ang beach resort na iyon at sinimulan ang apat na oras na byahe pabalik sa syudad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakasilip sa side mirror ng kotse, tinitingnan ko kasi kung paano kami lumayo mula sa kinaroroonan ng beach resort. Hindi ko makakalimutan ang lugar na iyon. Ang lugar kung kailan nagkaroon ng linaw ang lahat sa amin ni Zig. Ang lugar kung saan namin unang ginawa ang bagay na 'yon. Alam mo na. s*x. Hindi ko alam kung k

